Gumawa kaming mga maikling sanaysay bilang pretest ng asignaturang ito. Ang tanong para samin, "Saan mo makikita ang sarili mo mula sa sampung taon?" Sasagutin itong tanong sa sulating pangwakas. Ito ay nakakatulong kung marunong ba ang estudyante sumalat sa Wikang Filipino. Nilalaman to ng mga impormasyon tungkol sa sarili at puna upang bumuti ang pagsulat.
Nabigyan kami ng pagkakataong gumawa ng mga sari-sariling Bionote. Dahil dito, nailahad ng bawat isa at isinalaysay namin ang mga tungkol sa aming buhay, karanasan, at mga nagawa bilang isang estudyante. Nilalaman nito ang mahahalagang impormasyon tulad ng edukasyon, personal na background, mga natamong parangal, at iba pang mga tagumpay.