Ngayon na narito na sa huling bahagi ng EPortfolio na ito, ang mga manunulat ay nagalak at nakakaramdam ng tagumpay sa kanilang pagtatapos ng unang semestre sa asignaturang APPL114 sa paraan ng isang EPortfolio. Naipakita ang kanilang kaigihan, pagpapahalaga, at pagsusumikap sa mga nakuha nilang aral at sa kanilang pag-unlad sa kanilang bawat gawa.
Sa paggawa ng mga manunulat ng EPortfolio na ito, sila ay nakaranas ng iba't ibang pagsubok, hindi lamang nito tinutukoy ang mga pagsubok mula sa gawain ng mga asignatura, ngunit pati narin ang mga dumaan na bagyo na nagresulta ng pagbaha at kawalan ng mga kagamitan sa pag-aaral. Ipinakita ng mga manunulat ang kanilang katatagan at nagsama-sama upang mabuo ang EPortfolio gamit ang kanilang mga natira na mga naisulat, kasama rin ang kanilang pagod at kasiyahan sa mga alaala na kanilang mga nabuo habang ginagawa ito.
Ang EPortfolio na ito ay sumasalamin sa paglalakbay ng mga manunulat galing sa Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan, APPL114 ng AN2B, kung saan ipinakita nila ang kanilang pagsusumikap, determinasyon, at kakayahang magtagumpay sa kabila ng mga hamon. Sa kabila ng mga pagsubok, tulad ng mga bagyo at limitadong oras, nanatili silang matatag at nagkaisa upang maisakatuparan ang proyekto. Pinapahalagahan ng mga manunulat ang bawat natutunan at alaala na nabuo, sapagkat ito ang nagpatibay sa kanila bilang mga mag-aaral at indibidwal. Ang kanilang tagumpay ay bunga ng pagkakaisa at inspirasyong nakuha mula sa kanilang guro, pamilya, at kaibigan, na kanilang dadalhin sa pagharap sa mga darating na hamon sa hinaharap
Ang samahan na nabuo mula sa paligsahan ay nakabuo ng maraming memorya na kasama ang isa’t isa. Ang mga memoryang ito ay hindi makakalimutan at ipinagasasama-sama ang mga manunulat at nagiging konektado sa pagbuo ng iba't ibang mga ala-ala, magi man itong masaya, malungkot, lahat ay mahalaga dahil ito ay parte ng kanilang paglago bilang mga mag-aaral at mga indibidwal. Sila ay tunay na nagpapasalamat, sa kanilang guro at sa isa't isa, hindi nila kakalimutan ang mga aral na ngayon ay kanilang bibitbitin at dadalhin sa pagharap sa maliwanag na hinaharap.