Bb. Krexia Mae L. Liquido
Isang mainit na pagbati sa inyong lahat! Ako po si Bb. Krexia Mae L. Liquido, isang mag-aaral ng Mindanao State University – Iligan Institute of Technology sa ilalim ng Programang Edukasyong Pampagturo - Ikaapat na Taon ng Batsilyer sa Edukasyong Sekundarya Major sa Filipino.
Nakakatatuwang isipin na malapit ko nang makamit ang pangarap na kasabik-sabik. Ang isang desisyon ay maaaring magbukas ng bagong direksyon sa ating buhay. At ang desisyon na kagustuhan kong maging guro sa hinaharap ang nakapagbago sa buhay ko. Ang pagiging guro ay isang bukal na pangarap na di malaman ang kanyang simula. Sa kakaibang landas ng paglago at pagbabago, ako'y nahikayat na tahakin ang daang tinatawag na "guro." Hindi ito isang simpleng trabaho, kundi isang misyon na puno ng kahulugan at layunin.
Ang pagtuturo ay hindi lang isang trabaho; ito ay isang tawag, isang misyon na masarap sundan, at ang mga bunga ng pagsusumikap ay hindi nasusukat ng oras o halaga kundi ng kabatiran at pag-unlad na dulot ng mga mag-aaral. Kaya’t samahan ninyo ako sa aking paglalakbay bilang “practice teacher” sa pamamagitan ng digital portfolio na ito.
Narito ang aking digital portfolio tungkol sa aking karanasan sa larangan ng pagtuturo! Makikita rito ang mga impormasyon na maaari mong tignan, basahin, at maeksplora. Upang hindi ka maabala ng matagal, malugod kong inihahandog at ipinapakita ang aking portfolio. Ikinagagalak kitang makilala at nawa'y magkaruon ka ng kasiyahan sa pag-eksplora ng aking paglalakbay bilang isang guro sa praktika.
Nilalaman ng Pahina
Home
Welcoming Speech
Curriculum Vitae
Teaching Philosophy as a Beginning Teacher
Introduction
Beliefs on Teaching and Learning
Reflections on the field study areas observed
Compilation of Worksheets
Evidence of Learning
Certificate of Completion
Participation and Assistantship
Introduction
Acknowledgments
Certificate of Completion
Professional Readings
Detailed Lesson Plans
Domain 1 - Content Knowledge and Pedagogy
Domain 2 - Learning Environment
Domain 3 - Diversity of Learners
Domain 4 - Curriculum and Planning
Domain 5 - Assessment and Reporting
Domain 6 - Community Linkages and Professional Engagement
Domain 7 - Personal Growth and Professional Development