Introduksyon
Isa sa mga mahahalagang bahagi ng aking Field Study ang pagtutok sa pagtuturo sa iba't ibang uri ng mag-aaral. Napakagandang maranasan ang makipag-ugnayan sa mga batang may iba't ibang antas ng kasanayan, pangangailangan, at kakayahan. Ang Field Study ay nagbigay daan upang buuin ang aking personal na sistematikong pananaw sa pagtuturo. Sa pamamagitan ng mga obserbasyon, pakikipag-ugnayan sa guro, at mga sariling karanasan sa pagtuturo, nahubog ang aking sariling estilo at pilosopiya sa edukasyon. Ito ay nagbigay ng pagkakataon na iangkop ang aking paraan ng pagtuturo sa pangangailangan ng aking mga mag-aaral.
Sa aking Field Study 1 at 2, kinakailangang makumpleto ang 120 na oras, at nagagalak ako na matagumpay kong natapos ito. Sa panahon ng aking Field Study, ako ay na naitalagang obserbahan sa baitang 8 at 9. Napakasaya na malapit sa aking puso ang mga batang ito. Nabigyan din ako ng pagkakataon na magturo sa kanila sa huling araw ng aking Field Study Journey. Malaking pasasalamat ko rin sa aking Resource Teacher na si Gng. Gianne Paras sa paggabay sa akin mula sa simula hanggang sa huli ng aking Obserbasyon at Partisipasyon.
Beliefs on Teaching and Learning
Narito ang isang bidyo mula sa YouTube na maaaring humubog sa inyong kaalaman sa maaring Beliefs on Teaching and Learning ninyo bilang guro at sa magiging guro sa hinaharap.
Ang mga paniniwala sa pagtuturo at pag-aaral ay mahalaga sa paghubog ng isang epektibong sistema ng edukasyon. Narito ang ilang mga pananaw hinggil ko dito:
Bawat Mag-aaral ay Magkaiba: Bawat mag-aaral ay may kani-kanyang natatanging lakas, kakayahan, at paraan ng pagkatuto. Sa pagsasanay, mahalaga ang pag-unawa sa iba't ibang uri ng mag-aaral upang mapabuti ang kanilang karanasan sa edukasyon.
Aktibong Pagsasangkot: Ang pag-aaral ay mas epektibo kapag ang mag-aaral ay aktibong nakikilahok sa kanilang pagtuturo. Ang mga guro ay dapat magtaglay ng mga gawain na nakakatugon sa iba't ibang estilong pagkatuto upang masupil ang interes at partisipasyon ng mga mag-aaral.
Pagtuturo Bilang Gabay: Ang papel ng mga guro ay maging mga tagapamahala ng pagkatuto, nagbibigay-gabay mula sa kanilang sariling karanasan. Gayunpaman, inaasahan ang aktibong partisipasyon ng mga mag-aaral sa kanilang sariling pag-aaral at pag-unlad.
Pagpapahalaga sa Kaalaman: Hindi sapat na ituro lamang ang mga konsepto at kasanayan; mahalaga rin ang pagpapahalaga sa kaalaman. Kritikal na pag-iisip, pag-aanalisa, at pag-unawa sa konteksto ay mga aspeto ng pagtuturo na naglalayong mabuo ang kakayahan ng mga mag-aaral na maging masigla at mapanagot na mamamayan.
Pagtuturo Para sa Buhay: Ang layunin ng edukasyon ay hindi lamang naglalayon sa pagsasanay para sa hinaharap na trabaho kundi pati na rin sa paghanda ng mga mag-aaral na maging responsable at makabuluhan sa kanilang komunidad.
Reflections on the field study areas observed
Ang isang obserbasyon sa silid-aralan ay isang kapaki-pakinabang na instrumento para sa paglago sa propesyonalismo sapagkat ito'y nagbibigay sa akin ng pagkakataon na makakuha ng kaalaman ukol sa aking paraan ng pagtuturo. Sa pagmumuni-muni sa aking huling obserbasyon sa silid-aralan, napansin ko ang iba't ibang bahagi ng mga lakas at mga aspeto na maaaring mapabuti. Ang mga bahaging ito na aking nasilayan ay kritikal sa proseso ng pagtuturo at pag-aaral, at ito'y nararapat bigyang-pansin ng mga institusyon at mga guro.
Isa sa mga aspeto ay ang pamamahala sa silid-aralan. Mahalaga ito sa klase dahil nagbibigay ito ng estruktura, kaayusan, at maayos na kapaligiran para sa epektibong proseso ng pag-aaral. Ito ay nagbibigay daan para sa malinaw at maayos na daloy ng pagtuturo. Kapag ang guro ay mahusay sa pamamahala ng silid-aralan, mas nagiging masigla at mas nagpopokus ang mga mag-aaral sa kanilang mga gawain. Ang maayos na patakaran at kaayusan ay nagbubunga ng magandang samahan sa klase, nagbibigay daan para sa masusing pakikipagtulungan, at nagtataguyod ng masiglang kapaligiran ng pag-aaral. Ang magandang estratehiya sa pagtuturo at mahusay na pakikipag-ugnayan ay siya talagang daan sa matiwasay na silid-aralan.
Ang pangalawa namang na obserbahan ko ay tungkol sa pagtatayo ng matibay na relasyon sa mga mag-aaral. Tulad ng isang hardin na nangangailangan ng liwanag ng araw at tubig upang umunlad, kinakailangan ng mga mag-aaral ng positibong ugnayan sa kanilang mga guro upang sila ay mapabuti at umunlad sa larangan ng akademiko at emosyonal na aspeto. Naniniwala ako na ang pagkakaroon ng magandang ugnayan sa mga mag-aaral ay nagbibigay-daan sa mas mainam na komunikasyon. Sa pamamagitan nito, ay mas madali para sa guro na maunawaan ang mga pangangailangan at kahinaan ng bawat mag-aaral. Ang masusing pakikinig at pagsasangguni ay nagbubukas ng pinto para sa mas personal na pagtuturo na nakatuon sa mga indibidwal na pangangailangan ng bawat isa.
Sa aking mga obserbasyon sa opisina ng departamento sa Filipino para sa mga baitang 9 at 10, natutunan kong ang isang guro ay dapat magkaruon ng magandang koneksyon sa kanyang mga kasamahan. Napakasaya ng paligid doon; tinuturuan nila ang mga estudyante na bumati nang maayos sa lahat ng guro na nasa opisina, tulad ng pagbati ng "Magandang umaga, mga Guro." Napakabait din nila sa pakikisama sa amin bilang mga Practice Teachers, sinisigurado nilang komportable kami sa bawat araw ng aming Field Study Journey. Sila ay lumilikha ng isang pagkakasundo at malusog na pakikisama sa bawat isa sa pagkamit ng pangarap at misyon ng paaralan.
Ang panghuling napakahalagang aspeto na dapat ay mapabuti ay ang mga estratehiya sa pagtuturo. Madalas sabihin ng iba na ang asignaturang Filipino ay "nakakatamad," ngunit hindi ako sang-ayon dito. Wala namang nakakatamad na subject kung hindi nakakatamad ang paraan ng pagtuturo ng guro. Napansin ko minsan na inaantok ang mga estudyante habang nagtuturo ang guro sa harap, ngunit wala akong masyadong nakitang aksyon upang malutas ito. Kaya naman ay napaka importantente na ang bawat guro ay may lubusan ng kaalaman sa mga estratehiya sa pagtuturo, dahil ito ay nagbibigay daan sa pag-unlad ng masusing proseso ng pagtuturo na nakatuon sa pagpapabuti ng mga resulta ng pag-aaral at paglago ng bawat mag-aaral. Ang kanilang kahalagahan ay naiuugma sa pangangailangan ng pagbabago at pagsanay upang mapanatili ang mataas na kalidad ng edukasyon at isang masayang leksyon.
⬇ Compilation of Worksheets ⬇
LEARNING EPISODE 1
LEARNING EPISODE 2
LEARNING EPISODE 3
LEARNING EPISODE 4
MASUSING BANGHAY SA FILIPINO
DAILY TIME RECORD (DTR)
Evidence of learning
ILIGAN CITY NATIONAL HIGH SCHOOL (ICNHS)
The Practice Teachers
Checking of Test Papers
Preparing for the Upcoming Examination
Earthquake Drill
Inputting of Grades
Certificate of Completion