Nais naming magpasalamat sa aming propesor, Bb. Jehan Tahir, sa kanyang hindi matatawarang dedikasyon at pagmamahal sa pagtuturo ng asignaturang, “Ekokritisismo at Pagpapahalaga sa Kalikasan”. Sa bawat aralin na kanyang ibinahagi, hindi lamang kami natutong magpahalaga sa kagandahan ng kalikasan, kundi naging mulat din kami sa kahalagahan ng koneksyon ng kalikasan at panitikan.
Sa ilalim ng kanyang gabay, kami ay nagkaroon ng mas malalim na pag-unawa sa mga konsepto ng ekokritisismo at ang pagtingin sa kalikasan sa lente ng panitikan. Ang bawat akdang aming binasa ay nagbigay hindi lamang ng kaalaman, kundi pati na rin ng kamalayan at pagmamahal sa ating kalikasan. Sa bawat awit, kuwento, at sanaysay, mas lumalim ang aming pang-unawa sa koneksyon ng tao at kalikasan, at ang aming pananaw ay mas bumubuo ng kamalayan sa aming tungkulin bilang mga tagapangalaga ng kalikasan.
Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagiging ecocentric at ang implikasyon nito hindi lamang sa kalikasan kundi sa kabuuang kalagayan ng mundo. Ang kanyang aral ay nagtulak sa amin na maging mas mapanuri at maalalahanin sa aming pakikisalamuha sa kalikasan at sa aming pagsasaliksik at pagsusulat tungkol dito.
Nais din naming magpasalamat sa kanyang pag-unawa, pagtitiyaga at pagmamahal sa aming kapakanan. Ang kanyang kontribusyon sa aming pag-unlad bilang mga indibidwal at bilang bahagi ng lipunan ay hindi namin malilimutan. Umaasa kami na sa aming bawat kilos at desisyon, ay magiging tunay kaming tagapangalaga ng ating kalikasan.
Maraming salamat muli sa aming propesor na si Binibining Jehan!