Maligayang pagdating sa Luntiang Kamalayan, ang inyong online website para sa mga likhang sining tungkol sa Ekokritisismo at Pagpapahalaga sa Kalikasan. Layunin naming gisingin ang kamalayan ng bawat isa tungkol sa mga isyung pangkalikasan sa pamamagitan ng sining at panitikan.


Sa Luntiang Kamalayan, makakahanap kayo ng iba't ibang mga orihinal na gawa tulad ng Eko-Awit, mga kantang binuo na gumagamit ng tono ng mga kilalang kanta upang ipahayag ang mensahe ng pangangalaga sa kalikasan; Eko-Maikling Kwento, mga kwentong nagbibigay-diin sa mga isyung pangkalikasan at ang ating responsibilidad dito; at Eko-Sanaysay, mga sanaysay na nagsusuri at nagpapaliwanag ng mga konsepto ng ekokritisismo at ang kahalagahan ng kalikasan.