Ang Eko-Sanaysay ay malikhaing anyo ng paggamit ng wika na nagpapaliwanag o nagpapahayag ng sariling kaisipan tungkol sa isang pangyayarim bagay, tao, at iba pa.
Ang pagbabasa ng sanaysay ay hindi nakakulong lamang sa taktak ng personalidad ng manunulat. Pangunahing isinasaalang-alang dito ang paghahanap ng kabuluhang nais ibahagi ng akda sa mambabasa. Sa larangan ng ekokritisismo at mga ekokritiko, ang paghahanap ng kabuluhan ng akda ay nakasentro sa talakay tungkol at para sa kalikasan at kapaligiran. Nagpapaliwanag ito tungkol sa halaga at epekto ng tao sa kanyang palibot.