Examine how gender roles can be observed in various fields and social institutions to help learners break down the barriers and misconceptions of gender diversities and foster positive attitudes towards all humans. (Natataya ang bahaging ginagampanan ng kasarian(gender roles) sa iba’t bang larangan at institusyong panlipunan)
Sa makabagong panahon, mahalagang pagtuunan ng pansin ang mas malalim na pag-unawa sa kasarian at pagkakapantay-pantay. Ang konsepto ng kasarian ay hindi lamang limitado sa tradisyunal na pagkakakilanlan bilang lalaki o babae, kundi sumasaklaw din sa iba't ibang identidad at ekspresyon na kinikilala sa lipunan. Sa kabilang banda, ang pagkakapantay-pantay ay tumutukoy sa patas na pagtrato sa bawat indibidwal anuman ang kanilang kasarian, at ang pagbibigay ng pantay na oportunidad at karapatan sa lahat.
Walang pinipili ang diskriminasyon lalo na sa mga taong hindi marunong magbigay pagpapahalaga sa nararamdaman ng kanyang kapwa-tao. Ang diskriminasyon ay ang negatibo at hindi makatarungang pagtrato sa mga tao dahil sa pagkakaiba ng kanilang katangian. Maaari itong maranasan ng kahit na sino na kabilang sa kahit na anong pangkat ng kasarian dito sa mundo. Maaari itong maranasan ng mga lalaki, babae, mga kabilang sa LGBT at marami pa. Kaya naman, ang gender equality ay hindi lang nagpopokus sa mga kababaihan at mga LGBT, ito ay para sa lahat.
Sa pagtuturo ng paggalang, pagkilala, at pag-unawa sa pagkakaiba-iba ng kasarian, unti-unti nating naitataguyod ang isang makatarungan at inklusibong lipunan. Sa ganitong paraan, natututo ang bawat isa na maging mas mapanuri, bukas ang isipan, at higit sa lahat, makatao sa pakikitungo sa kanyang kapwa.
Ang klase ay bubuo ng 4-5 grupo at ang bawat grupo ay pipili (o bibigyan) ng isang institusyong panlipunan mula sa sumusunod:
Pamilya
Paaralan
Simbahan o Relihiyon
Pamahalaan
Media
Ekonomiya o Lugar ng Trabaho
Sa loob ng grupo, sagutin ang sumusunod na tanong gamit ang papel o digital board (Google Jamboard, Manila paper, o kartolina):
A. Obserbasyon at Analisis
Ano ang tipikal na papel ng babae at lalaki sa institusyong ito?
May diskriminasyon ba o hindi pagkakapantay-pantay? Magbigay ng halimbawa.
Paano naapektuhan ang mga oportunidad ng isang kasarian?
B. Pagninilay at Solusyon:
Ano ang maaaring gawin upang mapalaganap ang pagkakapantay-pantay ng kasarian sa institusyong ito?
Bilang kabataang mamamayan, anong konkretong hakbang ang maaari mong gawin upang makatulong?
Ihahanda at ipapakita ng bawat grupo ang kanilang brainstorming output. Dapat malinaw ang kanilang pagsusuri at suhestiyon. Maaaring gumamit ng visual aids tulad ng infographic, concept map, o mind map.
Gagamit ang guro ng rubrik na sumusukat sa:
Lalim ng pagsusuri sa isyu ng kasarian
Pagkamalikhain at organisasyon ng ideya
Pagpapakita ng aktibong pagkamamamayan sa mga suhestiyon
Kooperasyon at partisipasyon ng bawat kasapi
Ano ang iyong natutunan tungkol sa ugnayan ng kasarian at institusyon sa lipunan?
Ano ang iyong magiging papel upang itaguyod ang gender equality sa komunidad?
Hakbang sa Aktibi (Gabay ng Guro)
Sa pagtatapos ng aktibidad, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
Makakakilala ng mga pattern o katangian ng gender roles sa iba’t ibang institusyong panlipunan (pamilya, edukasyon, politika, ekonomiya, relihiyon, media).
Makabubuo ng sariling depinisyon ng gender roles sa lipunan.
Makapagbibigay ng suhestiyon kung paano maisusulong ang pagkakapantay-pantay ng kasarian bilang aktibong mamamayan.
Mga Hakbang sa Gawain
Magbigay ng maikling talakayan tungkol sa kasarian at mga institusyong panlipunan. Ipaliwanag na susuriin nila ang papel ng kasarian sa iba’t ibang larangan upang maunawaan ang mga umiiral na pattern.
Ipamahagi ang gender role cards na may mga senaryo (halimbawa at di-halimbawa) mula sa iba’t ibang institusyon.
Halimbawa:
Edukasyon: Ang guro sa Agham ay babae, habang ang prinsipal ay lalaki.
Pamilya: Ang ama lamang ang naghahanapbuhay.
Politika: Isang babaeng mayor na nagpatupad ng batas laban sa diskriminasyon.
Media: Isang palabas kung saan ang babae ay palaging nangangailangan ng pagsagip.
Di-Halimbawa:
Ang isang mag-aaral ay pinili batay sa talento, hindi sa kasarian.
Lahat ng manggagawa sa kompanya ay pantay ang sahod.
Pangkatin ang mga mag-aaral na may 4-5 lima. Ipaanalisa ang mga card at hikayatin silang sagutin:
Ano ang mga karaniwang katangian ng mga papel ng babae at lalaki sa mga senaryo?
Ano ang pagkakaiba ng mga halimbawa at di-halimbawa?
Gabayan ang bawat grupo sa pagbubuo ng sariling depinisyon ng “gender role” batay sa kanilang obserbasyon.
Hal.: “Ang gender role ay tumutukoy sa inaasahang kilos o tungkulin ng babae o lalaki sa isang lipunan, na maaaring maimpluwensyahan ng kultura, relihiyon, at kasaysayan.”
Bigyan ng worksheet ang bawat mag-aaral na may tanong gaya ng:
Ano ang epekto ng hindi balanseng gender role sa edukasyon/pamilya/media?
Bilang mamamayan, ano ang maaaring gawin upang maisulong ang pantay na karapatan sa kasarian?
Ipaulat ng bawat grupo ang kanilang natuklasan at mga mungkahing aksyon (hal. paggawa ng infographics, social media campaign, o liham sa barangay ukol sa gender awareness program).
Pangkatin ang klase sa 4–5 na grupo. Ang bawat grupo ay pipili ng isang institusyong panlipunan na pagsasalarawan nila sa role play. Narito ang mga pagpipilian:
Pamilya
Paaralan
Simbahan o Relihiyon
Pamahalaan
Media o midya
Lugar ng trabaho
Pag-aralan at suriin ng grupo ang kasalukuyang kalagayan ng gender roles sa napiling institusyon. Tukuyin ang mga sumusunod:
Tradisyonal na gampanin ng lalaki at babae
Mga hamon sa gender equality
Mga saloobin ng lipunan tungkol sa papel ng kasarian
Mga pagkakataon upang maisulong ang pantay na pagtingin sa kasarian
Bumuo ng isang 5–7 minutong role play na:
Naglalarawan ng isang isyung may kinalaman sa gender roles
Nagpapakita ng emosyonal na epekto nito sa mga tauhan
May positibong mensahe ng paggalang sa karapatan ng bawat kasarian
Nagtatapos sa paninindigan ng mga tauhan na kumilos bilang aktibong mamamayan (hal. paglahok sa adbokasiya, pagbibigay ng edukasyon sa komunidad, o pagtindig laban sa diskriminasyon)
Isagawa ang role play sa harap ng klase. Bigyang pansin ang:
Pagpapahayag ng damdamin (affective domain)
Paninindigan para sa katarungan at pagkakapantay-pantay
Pagpapamalas ng aktibong pagkamamamayan
Pagkatapos ng pagtatanghal, sasagutin ng bawat grupo ang mga tanong na ito:
Ano ang naramdaman mo habang ginagampanan ang papel mo?
Sa anong paraan mo maipapakita ang aktibong pagkamamamayan sa totoong buhay bilang tugon sa isyung tinalakay ninyo?
Ano ang iyong natutunan tungkol sa kasarian at gampanin nito sa lipunan?
Mga tip sa pagbibigay ng komento sa gawa ng mga mag-aaral. I-click ang link: GIVING FEEDBACKS
Paksa ng Kontrobersya:
"Ang mga tradisyonal na tungkulin ng babae at lalaki ay dapat panatilihin sa mga institusyong panlipunan."
Mga Hakbang sa Structured Academic Controversy
Pagpapakilala sa Isyu (10 minuto)
Talakayin ng guro ang kahulugan ng gender roles at ang mga institusyong panlipunan (pamilya, paaralan, simbahan, pamahalaan, media).
Ipakita ang magkabilang panig ng isyu gamit ang balita, larawan, o maikling video clip.
Pagbuo ng Grupo (5 minuto)
Bumuo ng apat na grupo
Hatiin sa dalawang pares:
Pares A – Pabor sa pagpapanatili ng tradisyonal na gender roles
Pares B – Tutol; naniniwalang dapat nang baguhin ang mga tungkulin batay sa kasarian
Paghahanda ng Posisyon (15 minuto)
Bawat pares ay magbabasa ng handouts o artikulo ukol sa kanilang panig.
Bumuo ng mga argumento, halimbawa, at damdaming makatao (e.g., “Paano kaya ang pakiramdam ng isang babae na gustong maging sundalo pero pinipigilan?”).
Paglalahad ng Panig (15 minuto)
Pares A ang unang magpapaliwanag habang nakikinig ang Pares B.
Pagkatapos ay si Pares B naman.
Hindi dapat magputol ng salita. Ang layunin ay makinig at umunawa.
Pagbibigay ng Rebuttal at Paglilinaw (10 minuto)
Magtanong at magbigay ng magalang na pagtutol sa isa’t isa.
Gumamit ng mga salitang nagpapahayag ng pag-unawa at respeto, gaya ng:
“Nauunawaan ko ang inyong punto, ngunit sa aking palagay...”
“Batay sa karanasan ng maraming kababaihan/lalake…”
6. Pagpapalit ng Panig (Opsyunal, 10 minuto)
Magpapalitan ng panig upang maunawaan ang magkabilang pananaw.
Gagamitin ang empatiya upang maipakita ang saloobin ng kabilang kampo.
7. Pagsasama ng Pananaw (10 minuto)
Bilang grupo ng apat, bumuo ng isang pinagsama-samang pananaw:
Ano ang mga puntos na napagkasunduan?
Paano natin maipapakita ang pagiging aktibong mamamayan sa pagtugon sa isyu ng gender roles?
8. Paglalahad ng Refleksyon (Affective Domain) (10 minuto)
Sumagot sa tanong:
“Ano ang natutunan mo tungkol sa kasarian at karapatang pantao bilang isang mamamayang Pilipino?”
“Paano mo ipapakita ang respeto sa lahat ng kasarian sa paaralan at komunidad?”
Pagpapalalim (Values Integration)
Iuugnay ang diskusyon sa mga batayang karapatang pantao, pagkakapantay-pantay, at pakikiisa sa bayan.
Tatalakayin ang bahagi ng kabataan bilang aktibong mamamayan sa pagsugpo ng diskriminasyon sa kasarian.
Hakbang sa Pagsasagawa - Gabay ng Guro
Ipapangkat ang klase sa maliliit na grupo. Bawat grupo ay bibigyan ng isang institusyong panlipunan (pamilya, paaralan, simbahan, pamahalaan, media, o ekonomiya).
Ang bawat grupo ay magsasagawa ng panimulang pananaliksik (gamit ang modules, internet, panayam, o obserbasyon) upang:
Tukuyin ang gender roles na umiiral sa kanilang itinalagang institusyon.
Alamin kung may gender bias o diskriminasyon na nangyayari.
Magbigay ng mga halimbawa mula sa tunay na buhay (hal. balita, pelikula, kwento, personal na karanasan).
Ang bawat grupo ay maghahanda ng isang maikling interaktibong leksyon (10–15 minuto) para ituro sa ibang grupo ang kanilang natuklasan. Maaaring gumamit ng:
Role play
Infographic o visual aids
Mungkahing aksyon (hal. campaign o policy proposal)
Discussion prompts para sa open forum
Pagkatapos ng peer teaching, ang bawat mag-aaral ay gagawa ng isang “Gender Action Card” na naglalaman ng:
Isang isyung may kinalaman sa gender roles sa kanilang paligid.
Isang konkretong hakbang na kaya nilang gawin bilang mag-aaral/aktibong mamamayan upang itaguyod ang gender equality.
Ano ang natutunan mo tungkol sa gender roles?
Paano mo ito magagamit bilang aktibong mamamayan?
Anong pagbabago ang nais mong makita sa iyong komunidad/paaralan?
Hakbang sa Pagsasagawa ng Gawain
Layunin ng Gawain
Upang maipakita ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa ginagampanang papel ng kasarian sa iba’t ibang larangan at institusyong panlipunan sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa isang pampublikong kampanya at talakayan na naglalayong magtaguyod ng pantay na oportunidad at karapatan batay sa kasarian.
Paglalarawan ng Gawain:
Ang klase ay hahatiin sa maliliit na grupo. Bawat grupo ay mag-oorganisa ng isang mini-event sa loob o labas ng paaralan (gaya ng barangay o lokal na komunidad), na may temang "Pantay na Kasarian sa Lahat ng Larangan."
Ang event ay maaaring sa anyo ng:
Forum/Panels: Pag-imbita sa mga tagapagsalita mula sa iba't ibang larangan (gaya ng edukasyon, pulitika, sining, sports, agham, atbp.) upang talakayin kung paano nakaaapekto ang kasarian sa kanilang propesyon.
Photo/Video Exhibit: Pagpapakita ng mga kwento ng kababaihan, kalalakihan, at LGBTQIA+ sa iba’t ibang institusyon (pamilya, paaralan, simbahan, gobyerno, atbp.).
Social Campaign Booth: Pagpapakalat ng impormasyon (leaflets, infographics, interactive games) ukol sa gender equality at mga batas gaya ng Magna Carta of Women, Anti-Discrimination ordinances, atbp.
Gender Role Reversal Day: Magdaos ng isang aktibidad kung saan ang mga kalahok ay gagampanan ang mga tungkuling hindi tradisyunal para sa kanilang kasarian upang ipakita ang kakayahang pantay-pantay sa anumang gawain.
Panuntunan:
Kailangang makipag-ugnayan ang grupo sa lokal na opisyal o guro upang maisagawa ang aktibidad nang maayos.
Dapat may bahagi ng interaksyon sa komunidad, tulad ng open forum, survey, o feedback wall.
Gamitin ang wikang Filipino sa lahat ng materyales.
Ipakita ang aktibong pagkamamamayan sa pamamagitan ng pakikilahok, pakikiisa, at pakikialam sa mga isyung panlipunan ukol sa kasarian.
Magtala ng dokumentasyon (larawan, video, at ulat) bilang bahagi ng output.
Awtput:
Presentasyon ng aktibidad sa klase (PowerPoint o video)
Reflection paper ng bawat kasapi na sumasagot sa tanong: “Paano nakatulong ang gawaing ito upang mas maunawaan at maisabuhay ang aktibong pagkamamamayan sa isyu ng kasarian?”
I-click ang STUDENT ACTIVITY SHEET upang pagtungo sa pahina na iyon.