Explain the emergence of unemployment to help learners' collect and use information related to social competences, for better understanding of society. (Naipaliliwanag ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyu ng paggawa sa bansa)
Assess the social impact of unemployment in the national economic development to form complex critical thinking among learners. (Nasusuri ang dahilan at epekto ng kawalan ng trabaho dulot ng globalisasyon)
Explain the concept of globalization so that learners may understand these economic benefits and drawback which are necessary for them to function in an interconnected and complex world. (Naipapahayag ang saloobin tungkol sa epekto ng globalisasyon)
Likas sa tao ang makisalamuha sa kapwa. Bilang panlipunang nilalang, hindi kayang mamuhay ng tao nang mag-isa—kinakailangan niya ang tulong, presensya, at ugnayan sa iba upang mapanatili at mapaunlad ang kaniyang buhay. Sa kasaysayan, makikita natin na ang simpleng ugnayang ito ay naging pundasyon ng mas malawak na pag-unlad ng lipunan.
Noong Panahon ng Bato, ang mga sinaunang tao ay gumagalaw mula sa isang lugar patungo sa panibago, dala ng pangangailangan sa pagkain, tirahan, at seguridad. Sa kanilang paglalakbay, natutunan nilang makipag-ugnayan sa ibang grupo, natutong magbahaginan ng kaalaman, at kalaunan ay nakipagpalitan ng produkto. Mula rito, nabuo ang mga konsepto ng pakikipagkalakalan, kooperasyon, at sama-samang pamumuhay, na nagsilbing batayan ng pagsibol ng mga pamayanan at kalauna'y mga sibilisasyon. Habang lumilipas ang panahon, lalo pang lumawak ang interaksyon ng mga tao sa isa't isa, hindi lamang sa loob ng kanilang sariling lugar kundi pati sa ibang mga rehiyon at bansa. Ang pangangailangan sa mas maraming likas na yaman, at pagnanais ng kaunlaran ang nagtulak sa mga lipunan upang magbukas ng ugnayan sa isa’t isa. Sa modernong panahon, ang tawag sa ganitong malawakang ugnayan ay globalisasyon—isang proseso ng pandaigdigang ugnayan sa ekonomiya, teknolohiya, kultura, at politika.
Sa konteksto ng ekonomiya, isang mahalagang salik ng pag-unlad ay ang pagkakaroon ng disenteng trabaho para sa mga mamamayan. Kapag ang malaking bahagi ng populasyon ay may hanapbuhay, mas malaki ang produksyon, mas mataas ang kita, at mas masigla ang daloy ng ekonomiya. Gayunpaman, ang kawalan ng sapat na trabaho ay isa sa mga pangunahing dahilan ng kahirapan hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bahagi ng mundo. Sa likod ng mga magagandang oportunidad na dulot ng globalisasyon, marami rin ang naapektuhan ng hindi pantay na pag-unlad. May mga manggagawang napipilitang pumasok sa mapanganib, hindi patas, at mababang pasahod na trabaho, sa loob man o labas ng bansa, para lang matustusan ang pangangailangan ng pamilya. Sa ganitong kalagayan, nahahayag ang kahalagahan ng pagkakaroon ng sistemang panlipunan na nagbibigay proteksyon at suporta sa mga manggagawa. Tulad ng kasabihang, “No man is an island,” hindi rin maihihiwalay ang bawat bansa sa isa’t isa. Sa gitna ng pagkakaiba-iba, ang pagkakaisa, pakikipagtulungan, at makataong ugnayan ang susi upang harapin ang mga suliraning panlipunan—mula sa unemployment hanggang sa epekto ng globalisasyon. Sa huli, ang tagumpay ng isang bansa ay nakasalalay sa sama-samang pagkilos ng mga mamamayan na may malasakit sa kapwa, sa trabaho, at sa kinabukasan.
GABAY SA MGA GURO
Hakbang ng Aktibidad:
1. PAG-IISIP – 5 minuto
Ipasagot sa mga mag-aaral ang tanong na ito sa kanilang papel o activity sheet:
"Ano ang mga pangunahing suliranin na kinakaharap ng mga manggagawa sa Pilipinas, at paano ito maaaring matugunan ng pamahalaan, manggagawa, at mamamayan?"
Maaaring gamitan ng bullets o maikling talata.
2. PAG-UUSAP NG MAGKAPAREHA – 7 minuto
Ipares ang mga mag-aaral.
Hayaan na mag-usap sila ukol sa kanilang mga kasagutan aupang masuri nila ang magkatulad at magkaibang pananaw.
Magkasundong pumili ng tatlong pinakamahalagang ideya. Isulat ang kasagutan sa activity sheet.
Maghanda para sa pagbabahagi sa klase.
3. PAGBABAHAGI – 8–10 minuto
Pumili ng ilang pares na magbabahagi ng kanilang napag-usapan.
Gamitin ang chalkboard/whiteboard/manila paper para itala ang mga lumalabas na suliranin at solusyon.
Hikayatin ang pagtatanong o pagsang-ayon ng ibang grupo.
Karagdagang Gabay:
Mga Gabay na Tanong na maaaring itanong sa mga mag-aaral:
Anong mga karaniwang suliranin sa paggawa ang lumitaw?
Ano ang mga solusyon na inilatag ng mag-aaral? Saan ito nakatuon — sa gobyerno, sa manggagawa, o sa pribadong sektor?
Paano natin mapapahalagahan ang papel ng bawat isa sa pagresolba ng mga isyung ito?
Pangkatang Talakayan (Small Group Reflection & Discussion)
Pangkatin ang klase sa maliliit na grupo na 5-7 katao bawat isa.
Ipanuod ang isang dokumentaryo na may pamagat na, "The Voice of Workers." Ito ay patungkol sa mga manggagawang Pilipinong naapektuhan ng globalisasyon.
Pagkatapos, bigyan sila ng mga gabay na tanong at hayaang magbahagi ang bawat isa ng kanilang saloobin sa kanilang pangkat. Paalalahanan ang mga mag-aaral na gamitin ang "Pakikinig na may Empatiya" kung saan walang putol at hindi hinuhusgahan ang pahayag ng iba.
Ano ang naramdaman mo matapos mapanuod ang bidyo?
Sa iyong palagay, makatarungan ba ang epekto ng globalisasyon sa lahat? Bakit oo o hindi?
Bilang isang kabataan, paano ka makatutulong sa mga kapwa mong Pilipino na apektado ng globalisasyon?
Pledge Wall (Pangako para sa Bayan)
Pagkatapos ng talakayan, bigyan ang bawat grupo ng isang malaking papel (manila paper) o space sa classroom wall kung saan isusulat nila ang kanilang collective pledge o pangako bilang mga mamamayang Pilipino.
Ang kanilang "Pledge for Active Citizenship" ay dapat tumugon sa tanong:
“Bilang kabataan, ano ang aking maiaambag upang matulungan ang kapwa sa harap ng hamon ng globalisasyon?”
Maaaring gumamit ng malikhaing paraan ng pagpapahayag gaya ng tula, slogan, drawing, o spoken word poetry.
Gallery Walk at Pagbabahagi
I-exhibit sa buong klase ang mga "Pledge Wall".
Hayaang libutin ng bawat grupo ang gawa ng iba.
Magtalaga ng isang kinatawan mula sa bawat grupo upang ipaliwanag ang nilalaman ng kanilang Pledge Wall.
Hakbang sa Pagsasagawa ng Asian Parliamentary Debate
Ihayag ng ang paksa (motion) ng debate: "Ang globalisasyon ay hadlang sa pagkakaroon ng sapat na trabaho sa Pilipinas."
2. Pagbuo ng mga Pangkat
Pangkatin sa dalawang pangkat ang klase
Gobyerno (Proposisyon) – sang-ayon sa motion
Oposisyon – salungat sa motion
Bawat pangkat ay binubuo ng tatlong kasapi:
Pangunahing Tagapagsalita (Prime Minister / Leader of the Opposition)
Ikalawang Tagapagsalita (Deputy)
Whip (Panghuling Tagapagtanggol)
3. Panahon ng Paghahanda (15–30 minuto)
Hayaan na magplano ang bawat pangkat ng:
Pangunahing argumento
Mga ebidensya o halimbawa (lokal na datos, panayam, o balita)
Mungkahing aksyon o solusyon
Gumamit ng worksheet para sa paghahanda.
4. Pagkakasunod-sunod ng Pagsasalita
Pangunahing Tagapagsalita ng Gobyerno (4 minuto) - Ilarawan ang problema, ipaliwanag ang motion, ibigay ang unang argumento
Pangunahing Tagapagsalita ng Oposisyon (4 minuto) - Tanggihan ang motion, magbigay ng kontra-argumento
Deputy ng Gobyerno (4 minuto) - Palawigin ang argumento ng gobyerno, sagutin ang mga puna ng oposisyon
Deputy ng Oposisyon (4 minuto) - Palalimin ang argumento ng oposisyon, sagutin ang gobyerno
Whip ng Gobyerno (4 minuto) -Buodin ang mga punto, ipakita kung bakit mas matibay ang posisyon ng gobyerno
Whip ng Oposisyon (4 minuto) - Buodin ang mga punto ng oposisyon, patunayan ang kahinaan ng gobyerno
Sa loob ng pagsasalita (maliban sa unang at huling minuto), pwedeng magtaas ng kamay ang kabilang panig upang magtanong.
Ang tagapagsalita ay maaring tumanggap o tumanggi sa tanong.
Layunin nito ang mas aktibong diskurso at pagpapalalim ng isyu.
6. Hatol at Pagninilay
Ang guro o mga tagahatol ay magbibigay ng feedback gamit ang rubrik.
Maaaring magkaroon ng open forum para linawin ang mga isyu.
Maglalagay ng pagninilay ang mga estudyante sa worksheet:
Ano ang natutunan nila?
Paano nila ito magagamit sa totoong buhay?
Maging malinaw at makatotohanan ang mga argumento.
Gumamit ng halimbawa mula sa lokal na konteksto.
Magbigay ng konkretong mungkahing aksyon o solusyon.
Magpakita ng respeto at paggalang sa kapwa tagapagsalita
Hakbang sa Pagsasagawa ng Team-based Learning
1. Individual Readiness Assurance Test (iRAT) – (10 minuto)
Ipasagot sa bawat mag-aaral ang 5-item multiple choice tungkol sa:
Kasalukuyang kalagayan ng paggawa sa Pilipinas
Mga pangunahing suliranin ng mga manggagawa
Batas na may kinalaman sa paggawa (e.g., Labor Code, Magna Carta for Workers)
I-click ang Individual Readiness Assurance Test upang makita ang multiple choice examination.
2. Team Readiness Assurance Test (tRAT) – (10 minuto)
Pagkatapos ng indibidwal na pagsusulit, bubuo ng maliliit na grupo (4–6 miyembro) para sagutin muli ang parehong set ng tanong bilang isang team. Layunin nito ang pagkakaroon ng diskurso at pagpapalitan ng ideya.
3. Application Exercise: “GAWA hindi lang SALITA” – (25–30 minuto)
Sitwasyon: Bilang mga kabataang mamamayan, kinakailangang bumuo ng isang kampanyang panlipunan na tumutugon sa isang partikular na isyu ng paggawa sa inyong lokalidad (e.g., kontraktwalisasyon, child labor, unfair wages, job mismatch).
Gawain ng Bawat Grupo:
Pumili ng isang isyu sa paggawa.
Gumawa ng isang pragmatic campaign plan (poster, vlog script, online petition, short skit, infographics o community engagement activity) na naglalaman ng:
Paglalarawan ng isyu
Konsekwensya sa mga manggagawa
Proposed action or solution na maaring gawin ng kabataan o mamamayan (e.g., paglikha ng impormasyon sa social media, pagdulog sa barangay, pakikiisa sa labor forums)
Iuulat sa klase ang kanilang kampanya gamit ang anumang malikhaing pamamaraan.
4. Peer and Self-Assessment (10 minuto)
Pagkatapos ng presentasyon, bibigyan ng evaluation sheet ang bawat isa para sa:
Kontribusyon sa grupo
Kakayahang magpahayag ng posisyon ukol sa isyu
Antas ng pakikilahok at konkretong mungkahi para sa pagbabago
Pagpapalalim (Reflection Prompt):
“Bilang isang kabataang Pilipino, paano ka makatutulong upang mapabuti ang kalagayan ng mga manggagawa sa ating bansa? Isulat ito bilang isang personal na panata.”
I-click ang STUDENT ACTIVITY SHEET upang pagtungo sa pahina na iyon.