Pagkatapos kong mabasa ang blog na ito mas lumalim ang aking kaalaman tungkol sa isyu tungkol sa diskriminasyon at karahasan na nagaganap sa ating lipunan.
Sa pamamagitan ng blog na ito, naimumulat ang mga mata ng mga mamamayan sa mga karahasang nagaganap at mga paraan upang maagapan o masugpo ito .
Nadagdagan ang aking mga kaalaman ang tungkol sa mga diskriminasyon at sa karahasan, ang pagkakaiba nito at mga kaganapan dito. Nakakalungkot na nangyayari ang mga ito, ngunit mabuti naman na may mga maaaring gawin at mga batas laban sa mga ito.
Nakakatulong ang blog na ito na magbigay ng kaalaman at kamalayan sa mga tao. Nakapagbibigay rin ito ng kaalaman kung paano maaaksiyonan o makakatulong sa mga taong nakararanas ng karahasan at diskriminasyon.
Higit na nakatulong ang blog na ito upang mapangaralan ako tungkol sa diskrimisasyon at mas lumago ang aking kaalaman ukol sa paksa na ito. Nagkaroon rin ako ng ideya upang makatulong sa pagpapakalat ng impormasyon kung paano maiiwasan ang mga ganitong issue. Sana lamang ay maiwasan na ang diskriminasyon sa mga tao na sa tingin ng karamihan ay naiiba sa lahat, dapat at tingnan natin bawat tao ng pantay at nirerespeto ano man ang kulay, kultura, relihiyon, o katangian nila.
Malaki ang nadagdag sa aking kaalaman tungkol sa mga diskriminasyon at karanasan na laganap hindi lamang sa ating bansa bagkus sa ating mundo. Namulat ang aking kaisipan na ang bawat isa ay may kanya-kanyang pagkakaiba. Nararapat lamang na magkaroon tayo ng pantay pantay na paggalang sa isa't isa dahil mayroon man tayong pagkakaiba ay parepareho parin tayong tao.
Sa pamamagitan ng blog na ito mas nagkaroon ako ng idea tungkol sa isyu tungkol sa diskriminasyon at karahasan na nangyayari sa ating lipunan at nalaman ko din kung ano ang mga paraan kung paano igalang at pahalagahan ang bawat kasarian
Dahil sa blog na ito, aking nabatid ang mga paraan upang maisulong ang karapatan ng bawat isa laban sa diskriminasyon at karahasan. Nalaman ko rin ang mga batas na naglalayong labanan at sugpuin ang diskriminasyon at karahasan na mayroon sa ating lipunan. Sa aking palagay, makakatulong tayo upang masugpo ang suliranin sa diskriminasyon at karahasan sa pamamagitan ng pagpapatibay ng ang ating respeto, paggalang, at disiplina sa ating kapwa.