Mga paraan upang maisulong ang paggalang sa karapatan ng bawat isa laban sa diskriminasyon at karahasan
Narito ilan sa mga paraan na maaari nating magawa upang maisulong ang karapatan ng bawat isa laban sa diskriminasyon at karahasan:
kinalaman sa diskriminasyon at karahasan na nangyayari sa ating lipunan.
Hikayatin ang bawat isa na makisali sa mga kampanya o aktibidad na naglalayong maipaalam sa iba ang kahalagahan ng paksang diskriminasyon at karahasan. Kung saan dito napapaloob ang pagpapaigting at pagpapalawig ng kampanya kontra maling pagtrato at pagtingin sa ibang mga tao na natatangi mula sa atin.
Sa paglahok sa mga ganitong gawain ay marami tayong matututunan at mapupulot na mga bagong kaalamang mayroong
Marapat lamang na ating irespeto ang karapatan ng bawat isa dahil ang bawat tao ay nararapat na bigyan ng pantay-pantay na tingin at pagtrato. Bilang isang mabuting mamamayan, dapat nating ipakita sa kapwa nating mga Pilipino ang kabutihan natin sa bawat isa sa pamamagitan ng pagbibigay respeto at pagpapakita ng kabutihan para sa kapwa; kung gusto natin na irespeto nila ang karapatan natin dapat muna nating irespeto ang mga karapatan nila.
Ang tahanan ang unang paaralan ng mga bata, maganda kung sa murang edad ay maturuan na agad sila ng mabubuting gawain at magagandang asal. Ituro natin sila na pakitaan ng pantay na pagtingin at respeto ang mga tao na nakikita nilang naiiba sa karamihan dahil pare-pareho parin naman tayong mga tao na may damdamin at mga karapatan. Huwag natin itatak sa isipan nila na iba sila dahil lang hindi pareho ang paniniwala, itsura, o katangian nila sa iba.
Ang pagsali/paggawa ng mga organisasyon na ipinaglalaban ang karapatang pantao ay makakatulong upang mapigilan at maturuan ang mga tao sa mga bagay na maaaring magmulat sa kanila sa mga pangyayaring nagaganap sa mundo. Sa pamamagitan ng mga pakikilahok sa mga seminar at mga proyekto na ginagawa sa loob ng iyong pinasukan na organisasyon, mabibigyan mo ng tulong ang mga naging biktima ng diskriminasyon at mapapa-ngaralan sila kung anong maganda at dapat gawin upang ito ay maiwasan.
Tigil. Pagkatapos ay mag-isip. Ano ang marapat mong gawin at ano ang maaari mong magawa?
Ano pa ang hinihintay mo? Halika na, tumayo at kumilos, makialam at makisali.
Pagtibayin ang ating disiplina, igalang at irespeto ang karapatan ng bawat isa.