Ang pagkakaroon diskriminasyon at karahasan ay talaga namang laganap na sa mundo na ating ginagalawan ngayon. Mayroong mga taong nandidiskrimina at gumagawa ng karahasan, at katumbas nito mayroong mga taong nagiging nabibiktima. Myroong iba’t ibang rason at dahilan kung bakit nila nito ginagawa at kung bakit ito nangyayari.
Gayunpaman, hindi dapat maging daan ang mga dahilan na ito upang gumawa ng mga bagay na masama sa ating kapwa. Wala tayong karapatan na manakit at magsabi ng masasakit na salita sa ating kapwa, bagkus marapat na tayo ay magbigayan ng kapayapaan sa isa’t isa, at palaging isa alang alang ang kapakanan ng bawat isa.