Ang diskriminasyon ay ang hindi patas o hindi makatuwirang pagtingin at pagtrato sa isang tao o sa isang grupo ng mga tao dahil sa katangian na kanilang taglay tulad na lamang ng kanilang lahi, kulay ng balat, edad, kasarian at sekswal na oryentasyon, at iba pa.
Ang karahasan naman ay isang uri ng diskriminasyon at karahasang nangyayari dahil sa hindi pantay na relasyong kapangyarihan at batayang inaasahan base sa kasarian; mga gawaing nagdudulot ng pisikal, mental, o sekswal na sakit kasama ang pagbabanta, pamimilit, at pagsikil kalayaan.
Masasabi na ang diskriminasyon at karahasan ay hindi magandang gawain, ang paggawa ng mga bagay na ito ay masama. Walang tao sa ating daigdig ang marapat na makaranas nito, ano man ang kanyang kasarian, edad, o estado sa buhay. Lahat tayo ay pantay pantay, walang taong mas nakakaangat o mas nakakababa sa atin.
Sa panahon ngayon, hindi na natin napapansin na itong diskriminasyon at karahasan o ang panghuhusga at pananakit sa ibang tao ay nagiging normal na o parang karaniwang gawain na sa ating lipunan. Mayroon paring mga tao na pinipiling gumawa ng mga bagay na negatibo at hindi makatarungang pagtrato sa mga taong naiiba sa kanila.
Ang pag usbong ng ganitong mga kilos o gawain ay maaaring natututunan o nagmula sa kanilang mga personal na karanasan, mga obserbasyon, at mga paniniwala, at kung minsan pa nga ay nakukuha nila ito sa mga taong malalapit sa kanila kagaya na lamang ng kanilang kinalakihan na tahanan, ang kanilang mga magulang o kaya’y mga kaibigan. Kadalasan ang diskriminasyon ay nabubuo dahil sa takot, hindi pag-unawa sa iba, stereotype at mga biases ng isang tao, at marami pang mga dahilan.
Hindi dapat maging dahilan ang mga bagay na ito upang magsalita at gumawa tayo ng mga bagay na masama sa ating kapwa o makakapagdulot ng hindi mabuting epekto sa kanila. Ito na ang panahon upang tayo ay kumilos at makibahagi. Hindi pa huli upang ating pigilan, labanan, at sugpuin ang diskriminasyon na nangyayari sa ating lipunan. Narito ilan sa mga paraan na maaari nating magawa upang maisulong ang karapatan ng bawat isa laban sa diskriminasyon at karahasan.
Makikita dito ang mga paraan kung paano maisusulong ang paggalang sa karapatan ng bawat isa laban sa diskriminasyon at karahasan.
Dito matatagpuan ang mga batas o ang mga republic act na naglala- yong labanan ang diskriminasyon at karahasan sa ating lipunan.
Ang pahinang ito ay naglalaman ng pagtatapos o ang wakas, narito ang aming konklusyon ukol sa paksang diskriminasyon at karahasan.
Dagdag na impormasyon tungkol sa aming Grupo at sa aming mga Opinyon at Saloobin
Tungkol sa Aming Grupo
Aming mga Saloobin at Opinyon