Ilan sa mga Batas o Republic Act Kontra Diskriminasyon at Karahasan
Ipinagbabawal naman sa mga labor organization, na tanggihan ang pagiging miyembro; o alisin sa pagiging miyembro; o magbigay ng dahilan sa mga employer upang makapagpakita ng anumang uri ng diskriminasyon na nababatay sa edad ng isang indibidwal.
Sa ilalim ng batas, mahigpit na pinagbabawalan ang mga employer na maglathala o maglabas sa iba’t ibang uri ng media, kabilang ang sa internet, at iba pang anunsyo na may kaugnayan sa paghahanap ng empleyado na nagsasaad ng kinakailangang limitasyon, espesipikasyon, at diskriminasyon sa edad.
Pinagbabawalan rin ang mga employer na magtakda ng deklarasyon sa edad o araw ng kapanganakan sa proseso ng aplikasyon; at tanggihan ang anumang aplikasyon sa trabaho dahil lamang sa edad; o ang diskriminasyon sa isang manggagawa kaugnay sa kompensasyon, kondisyon o pribilehiyo sa trabaho nang dahil lamang sa kanilang edad.
Dagdag pa rito, ipinagbabawal rin sa mga employer na tanggihan ang isang empleyado maging ang promosyon nito o oportunidad sa training dahil sa edad nito; tahasang tanggalin ang isang empleyado o manggagawa dahil sa katandaan; o magpataw ng maagang pagreretiro dahil sa nasabing isyu.
Para naman sa mga kontraktor at subkontraktor, ipinagbabawal sa kanila na tanggihan ang mga aplikante at magpataw ng diskriminasyon sa anumang tao dahil sa edad nito.
Isang batas na nagdedeklara ng sekswal na harassment ay ipinagbabwal sa trabaho, edukasyon, edukasyon o pagsasanay, at para sa ibang layunin.
Ang sexual harassment ay nagaganap lamang sa loob ng trabaho at lugar ng pag-aaral o pagsasanay. Limitado ito sa may relasyong employer-empleyado, guro-estudyante o sa pagitan ng sinumang may moral na awtoridad at sa biktimang nasa pangangalaga niya sa loob ng nasabing mga kondisyon o kapaligiran.
Sinumang direktang magsagawa ng mga ipinagbabawal na akto, babae man o lalaki ay maaaring maparusahan sa ilalim ng batas.
Gayundin, sinumang humikayat o tumulong sa iba na isagawa ang mga nasabing akto ay maaari ring managot sa batas.
Isang akto na nagbibigay ng mas malakas na pagpigil at espesyal na proteksyon laban sa pang-aabuso ng bata, pagsasabala at diskriminasyon, at para sa ibang layunin.