EPEKTIBONG GAMIT NG BOOK-LAT SA PAGSUSULAT NG TULA: ISANG INTERBENSIYON SA PAGLINANG NG KASANAYAN SA
MATATALINGHAGANG PANANALITA
MYR-ANN S. SALAZAR, Teacher III, Manuel Quezon National High School
Â
Welcome to SDO Isabela's Research Portal! Newly updated Research Forms are up for download. Please visit the "Downloadable Forms" page.
EPEKTIBONG GAMIT NG BOOK-LAT SA PAGSUSULAT NG TULA: ISANG INTERBENSIYON SA PAGLINANG NG KASANAYAN SA
MATATALINGHAGANG PANANALITA
MYR-ANN S. SALAZAR, Teacher III, Manuel Quezon National High School
Â
ABSTRACT
Tiniyak sa pag-aaral na ito ang kabisahan ng estratehiyang Book-Lat sa pag-unawa at paggamit ng matatalinghagang salita sa pagsulat ng tula. Layunin nitong pataasin ang akademikong performance ng mga mag-aral ng Grade 10 ng Manuel L. Quezon National High School dahil nakasusulat sila ng tula ngunit hirap silang umunawa at gumamit ng mga matatalinghagang salita. Ang mananaliksik ay gumamit ng Eksperimental na pamamaraan na kung saan One Group Pre-test and Post-test Design ang ginamit. Total Sampling Technique naman ang ginamit upang tukuyin ang epekto ng tritment o interbensiyon. Nagkaroon ng positibong pag-unlad sa kasanayang gumamit ng matatalinghagang pananalita sa pagsulat ng tula mula sa Pre-Test patungo sa Post-Test. Ang resulta ng Paired-Sample T-Test ay nagpapakita ng malakas na estadistikong ebidensya na mayroong pagkakaiba sa pagitan ng pre-test at post-test mean scores. May malaking positibong epekto sa akademikong pagkatuto ng mga mag-aaral sa pagsusulat ng tula gamit ang matatalinghagang pananalita na pinatunayan ng mataas na Cohen's D na 1.05 na tumutukoy sa malaking effect size. Ilan sa mga naging karanasan ng mga mag-aaral sa paggamit ng estratehiyang Book-Lat ay ang pagkakaroon ng pag-uugnay at pag-unawa ng malalalim na salita, pagsusuri ng kahulugan, at mga pagsasanay.
Keywords: akademikong performans, book-lat, estratehiya
Year: 2025
posted on June 11, 2025
How to Cite
Salazar, M. (2025). Epektibong Gamit ng BOOK-LAT sa Pagsusulat ng Tula: Isang Interbensiyon sa Paglinang ng Kasanayan sa Matatalinghagang Pananalita. Saringit, 5(1), 155-159.