K-LAS: Kabisaan sa Pagtuturo sa Filipino sa Piling Larang ng TVL-ICT 12 ng Echague National High School
Lucena D. Colobong, Master Teacher I, Echague National High School
Welcome to SDO Isabela's Research Portal! Newly updated Research Forms are up for download. Please visit the "Downloadable Forms" page.
K-LAS: Kabisaan sa Pagtuturo sa Filipino sa Piling Larang ng TVL-ICT 12 ng Echague National High School
Lucena D. Colobong, Master Teacher I, Echague National High School
ABSTRACT
Layunin ng pag-aaral na ito na tukuyin ang kabisaan ng K-LAS sa pagtuturo sa Filipino sa Piling Larang ng TVL-ICT 12 ng Echague National High School. Eksperimental ang pag-aaral na ito kung saan ang gawang-guro na Learning Activity Sheets ay ginawa bilang interbensyon sa 15 na mag-aaral na nakakuha ng low mastery sa MELC na CS_FTV11/12PT-0g-i-94 o naililista ang mga katawagang teknikal kaugnay sa piniling anyo. Sa implementasyon ng pag-aaral, ang K-LAS ay itinuro ng guro sa pamamagitan ng google meet, nagkaroon ng follow-up sa pamamagitan ng video call at messenger. Samantala ang pagtataya ay ipinamahagi sa pamamagitan ng google forms at masusing sinuri ang resulta. Kinuha ang iskor bago at pagkatapos ng implementasyon ng K-LAS. Lumabas sa pag-aaral na mayroong 45% na epekto ang K-LAS sa performans ng mga mag-aaral ng TVL-ICT 12.
Keywords: K-LAS, Learning Activity Sheets, interbensyon
Year: 2023
posted on September 9, 2023
How to Cite
Colobong, L. (2023). K-LAS: Kabisaan sa Pagtuturo sa Filipino sa Piling Larang ng TVL-ICT 12 ng Echague National High School. Saringit, 3(1), 174-178.