IKASIYAM NA BAITANG
PAMBUNGAD SA EKONOMIKS
PAMBUNGAD SA EKONOMIKS
Ang mga aralin sa Pambungad sa Ekonomiks ay nakatuon sa pagtalakay sa ginagampanang papel ng Ekonomiks sa patuloy na pagharap ng tao sa mga hamon ng modernong panahon. Binibigyang diin sa pag-aaral ng Ekonomiks ang pagkakaroon ng positibong pananaw bilang gabay sa bawat desisyong gagawin na makaaapekto’t makahuhubog sa pag-unlad ng lipunan. Magsisimula ang talakayan sa mga panimulang konseptong kaugnay ng Ekonomiks. Susundan ito ng mga talakayan ukol sa Microeconomics, Macroeconomics at magtatapos sa talakayan ukol sa Pambansang Kaunlaran at mga Sektor ng Ekonomiya.
Naipamamalas ang malalim na pag-unawa sa mga pangunahing kaisipan at napapanahong isyu sa Ekonomiks at Pambansang Pag-unlad gamit ang mga kasanayan at pagpapahalaga ng mga disiplinang panlipunan tungo sa paghubog ng mamamayang mapanuri, mapagnilay, mapanagutan, makakalikasan, produktibo, makatarungan, at makataong mamamayan ng bansa at daigdig.
Unang Markahan
Mga Panimulang Konsepto, Microeconomics: Ang Mamimili, Batas ng Demand, Batas ng Supply, Equilibrium, Elastisidad
Ikalawang Markahan
Macreconomics: Implasyon, Unemployment, Pambansang Produkto, Kalakalang Panlabas, Alokasyon, Pamilihan, Negosyo
Ikatlong Markahan
Macroeconomics: Patakarang Piskal, Patakarang Monetaryo, Pambansang Kaunlaran, Mga Sektor ng Ekonomiya
MGA PAGTATASA:
Sinusukat ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga indibidwal at pangkatang pagtatasa o evaluation. Inaasahan ring maisagawa ng mga mag-aaral ang mga sumusunod na gawain para sa taunang proyektong Community Kitchen:
Unang Markahan
Pagsasagawa ng Market Analysis
Ikalawang Markahan
Paglikom ng pondo at pagsasagawa ng Taste Test
Ikatlong Markahan
Implementasyon ng Community Kitchen