IKAPITONG BAITANG
KASAYSAYAN AT KABIHASNAN NG ASYA
KASAYSAYAN AT KABIHASNAN NG ASYA
Ang mga aralin sa Kasaysayan at Kabihasnan sa Timog Silangang Asya ay nakatuon sa pagkilala at pinagmulan ng mga Asyano, mga hamong kanilang kinaharap at pagtugon na isinagawa sa mga ito. Nagsisimula ang talakayan sa Heograpiya at mga Sinaunang Kabihasnan na isinilang sa Timog Silangang Asya. Susundan ito ng mga talakayan ukol sa mga hamong kinaharap noong Panahon ng Imperyalismo. Magtatapos ang talakayan sa pagtugon na isinagawa ng mga Asyano nang isilang ang Nasyonalismo at sa mga hamon ng pagkabansa.
Naipamamalas ang malalim na pag-unawa at pagpapahalaga sa kamalayan sa heograpiya , kasaysayan, kultura, lipunan, pamahalaan at ekonomiya ng mga bansa sa rehiyon tungo sa pagbubuo ng pagkakakilanlang Asyano at magkakatuwang na pag-unlad at pagharap sa mga hamon ng Timog- Silangang Asya.
Unang Markahan
Heograpiya at mga Sinaunang Kabihasnan
Ikalawang Markahan
Panahon ng Imperyalismo sa Timog - Silangang Asya
Ikatlong Markahan
Pag-usbong ng Nasyonalismo sa Timog Silangang Asya at mga Hamon ng Pagkabansa
Sinusukat ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga indibidwal at pangkatang pagtatasa o evaluation. Inaasahan ring maisagawa ng mga mag-aaral ang mga sumusunod na gawain para sa bawat markahan:
Unang Markahan
Paglikha ng isang Travel Guide / Blog sa mga bansa sa Timog - Silangang Asya
Ikalawang Markahan
Paglikha ng Infographic at Editorial Cartoon tungkol sa mga
Epekto ng Imperyalismo sa Timog - Silangang Asya
Ikatlong Markahan
Paglikha ng Reels tungkol sa mga Hamon ng Pagkabansa sa Timog - Silangang Asya