IKASAMPUNG BAITANG
KONTEMPORARYONG ISYU
KONTEMPORARYONG ISYU
Ang Kontemporaryong Isyu ay nakatuon sa pagsusuri ng mga isyung kinakaharap ng mga mamamayan sa modernong panahon. Binibigyang diin sa pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu ang aktibong pakikisangkot ng mga mamamayan sa lipunan at ang pagtataguyod ng mga karapatang pantao. Magsisimula ang talakayan ng mga aralin sa kahalagahan ng mga kontemporaryong isyu, pagkamamamayan at karapatang pantao. Susundan ito ng mga talakayan ukol sa mga isyu ukol sa Edukasyon, Gender, Ekonomiya, Kapaligiran at Pulitika.
Naipamamalas ang malalim na pag-unawa sa mga isyu at hamon ukol sa karapatang pantao, pagkamamamayan, pang-edukasyon, pang-ekonomiya, pangkapaligiran, at pampulitikang kinahaharap ng mga bansa sa kasalukuyan, gamit ang mga kasanayan sa pagsisiyasat, pagsusuri ng datos at iba’t ibang sanggunian, pananaliksik, mapanuring pag-iisip,mabisang komunikasyon, pagiging makatarungan, at matalinong pagpapasya.
Unang Markahan
Pambungad sa Kontemporyong Isyu, Pagkamamamayan, Karapatang Pantao
Ikalawang Markahan
Isyu ukol sa Edukasyon, Gender at Ekonomiya
Ikatlong Markahan
Isyu ukol sa Kapaligiran at Pulitika
Sinusukat ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga indibidwal at pangkatang pagtatasa o evaluation. Inaasahan ring maisagawa ng mga mag-aaral ang mga sumusunod na gawain para sa taunang proyektong Kilos, Atenista!:
Unang Markahan
Pagsusulat ng isang Plano para sa isang Adbokasiya ukol sa isang isyu sa lipunan
Ikalawang Markahan
Paglikha ng isang Google Site na ipinakikita ang Adbokasiya at Digital Poster ukol sa napiling isyu sa lipunan
Ikatlong Markahan
Paglikha ng isang Advocacy Video ukol sa napiling isyu sa lipunan