ikawalong baitang
KASAYSAYAN NG DAIGDIG
KASAYSAYAN NG DAIGDIG
Ang mga aralin sa Kasaysayan ng Daigdig ay nakatuon sa pagkilala at pinagmulan ng mga Sinaunang Kabihasnan, mga hamong kinaharap tungo sa pagbubuo ng mga estadong-nasyon at sa pagsasabuhay ng mga ideyang nagsusulong sa pagpapalakas ng isang estadong-nasyon. Nagsisimula ang talakayan sa mga Sinaunang Kabihasnan sa Ehipto, Malapit na Silangan at Europa. Susundan ito ng mga talakayan sa pagbubuo ng mga estadong-nasyon mula Panahong Midyebal hanggang sa Panahong Moderno. Magtatapos ang talakayan sa pagsiklab ng mga Himagsikan, Imperyalismo at Digmaang Pandaigdig.
Naipamamalas ang mga kasanayan sa pagsisiyasat, pagsusuri ng datos at iba’t ibang sanggunian, pananaliksik, mapanuring pag-iisip, mabisang komunikasyon, at pag-unawa sa kasaysayan, pulitika, ekonomiya, kultura, at lipunan ng Daigdig mula sa sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyan.
Unang Markahan
Mga Sinaunang Kabihasnan sa Ehipto, Malapit na Silangan, Gresya at Italya
Ikalawang Markahan
Panahong Midyebal, Renaissance, Repormasyon at Pagbubuo ng Estadong-Nasyon
Ikatlong Markahan
Panahon ng Kaliwanagan, Himagsikang Pulitikal at Ekonomiko, Imperyalismo, Mga Digmaang Pandaigdig
Sinusukat ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga indibidwal at pangkatang pagtatasa o evaluation. Inaasahan ring maisagawa ng mga mag-aaral ang mga sumusunod na gawain para sa bawat markahan:
Unang Markahan
Paglikha ng isang Virtual Museum ukol sa mga Pinunong-Lingkod
Ikalawang Markahan
Paglikha ng isang vlog ukol sa temang Noon at Ngayon, Itaguyod ang Nasyon
Ikatlong Markahan
Paglikha ng isang Educational Video ukol sa mga ideya ng Himagsikan at Digmaan