BUWAN NG WIKA 2026
Kindly login to your XU EMAIL ADDRESS before accessing the library service ONLINE FORMS
BUWAN NG WIKA 2026
Taos-puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga estudyante na nakiisa, nakilahok, at nagbahagi ng kanilang talento, kaalaman, at pagmamahal sa wikang Filipino.
Lubos din ang aming pasasalamat sa Filipino Department sa matagumpay na pakikipagtulungan sa SHS Library upang maisakatuparan ang mga makabuluhang aktibidad ngayong Buwan ng Wika.
Abangan ang pagkilala sa ating mga nanalo sa 𝐌𝐨𝐫𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐀𝐬𝐬𝐞𝐦𝐛𝐥𝐲!
Ipalakpak natin ang kanilang tagumpay at ipagdiwang ang kanilang husay!
Sa bawat salitang binibigkas, kuwentong ibinabahagi, at kaalamang ipinapasa—patuloy nating buhayin ang wikang Filipino.
𝐌𝐚𝐫𝐚𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐭 𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲 𝐚𝐧𝐠 𝐰𝐢𝐤𝐚𝐧𝐠 𝐅𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨!
BUWAN NG WIKA 2025
Tema: "Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa"
BUWAN NG WIKA 2024
Sa pagtatapos ng ating masayang pagdiriwang ng Buwan ng Wika, nais naming pasalamatan ang lahat ng mag-aaral, guro, at kawani na buong puso at aktibong nakiisa sa mga aktibidad na inihanda ng Departamento ng Filipino. Mula sa mga makukulay at malikhaing poster, sa mga makabuluhang sanaysay, hanggang sa mga madamdaming tula na binigkas, tunay na ipinakita natin ang pagmamahal sa ating wika at kultura. Lahat ng ito ay masayang ginanap sa ating silid-aklatan , na nagsilbing tahanan ng talino at talento.
Mabuhay ang Wikang Filipino! Patuloy nating isulong at pahalagahan ito, hindi lamang ngayong buwan, kundi araw-araw! Salamat sa inyong lahat, at magkita-kita tayo muli sa susunod na taon!
BUWAN NG WIKA 2023
The culmination of this year's language month celebration was full of progress, growth, and achievements! Here's to another prosperous month ahead
#FilipinoatmgaKatutubongWika #BuwanNgWika2023 #XASHLib #YourSearchEngine #YourGatewaytoInformation