Lesson Plan in Sibika at Kultura Grade 1
I. Layunin
Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang
1. Mailalarawan nang maayos ang pambansang watawat ng Pilipinas (Terminal)
2. Makasusunod na mabuti sa wastong kilos na dapat gawin habang itinataas o ibinababa ang watawat
3. Maiguguhit sa sariling kaparaanan ang watawat ng Pilipinas
4. Masasabi ang mga pagpapahalaga tungkol sa watawat
II. Paksang Aralin
Ang Watawat ng Pilipinas (Sagisag ng Bansa)Pagpapahalagang Isasanib: Katapatan; pagkamagalang; pagkamakabansa
III. Kagamitan
Mga papel na may kulay pula, asul, puti at dilaw
Maliit na watawat ng Pilipinas
Krayola
Bond paper
IV. Pamaraan
A. Pambungad na Gawain
Drill:
1. Anu-ano ang katangiang pisikal ng isang Pilipino?
2. Balik-aral: Anu-ano ang wastong paggamit ng tubig?
B. Panlinang na Gawain
1. Pagpapakita ng mga papel na may iba't ibang kulay
1.2. Anong bagay ang nakikita ninyo araw-araw na may ganitong mga kulay? (Watawat)
2. Paglalarawan ng watawat
3. Ano ang einagawa natin kapag ang watawat ay itinataas?
Sundin ang instruksyon ko.
3.1. Tumayo nang tuwid
3.2. Harap, kaliwa, na!
3.3. Harap, kanan, na!
3.4. Iba pa.
4. Bakit natin iginagalang ang watawat?
5. Anong mga pagpapahalaga ang ating ipinakikita sa paggalang sa ating watawat?
5.1 Dapat ba nating igalang ang ating watawat? Ano ang palagay mo?
6. Maiguguhit mo ba ang watawat?
7. Pagguhit
C. Pangwakas na Gawain
1. Pagpapakita ng mga watawat na naiguhit
2. Paglalagom: Ano ang watawat?
3. Pag-awit nang maayos ng Pambansang Awit ng Pilipinas
4. Nagustuhan ba ninyo ang ating liksyon? Bakit?
V. Kasunduan
Sabihin sa ating mga magulang at kapatid ang mga natutuhan natin ngayong araw na ito. Magagawa mo ba ito?