Naging batayan ng K-12 Araling Panlipunan Kurikulum ang mithiin ng:
1. “Edukasyon para sa Lahat 2015” (Education for All 2015)
2. K-12 Philippine Basic Education Curriculum Framework
Layon ng mga ito na magkaroon ng mga kakayahang kinakailangang sa siglo 21 upang makalinang ng “functionally literate and developed Filipino.” Kaya naman, tiniyak na ang mga binuong nilalaman, pamantayang pangnilalalaman at pamantayan sa pagganap sa bawat baitang ay makapag-aambag sa pagtatamo ng nasabing mithiin.
Sa pag-abot ng nasabing mithiin, tunguhin (goal) ng K-12 Kurikulum ng Araling Panlipunan ang makahubog ng mamamayang:
o Mapanuri
o Mapagmuni
o Mapanagutan
o Produktibo
o Makakalikasan
o Makabansa
o Makatao
Na may pambansa at pandaigdigang pananaw at pagpapahalaga sa mga usaping pangkasaysayan at panlipunan.
K-12 Curriculum Guide in Araling Panlipunan
Mga Sinunod na Teorya sa Pagkatuto
o Kontruktibismo
o Magkatuwang na pagkatuto (collaborative learning)
o Pagkatutong pangkaranasan at pangkonteksto
Mga Pamaraan
o tematiko-kronolohikal at paksain/ konseptuwal
o pagsisiyat
o intregratibo, interdesiplinaryo at multisiplinaryo
Sa pagkamit ng nasabing adhikain, mithi ng kurikulum na mahubog ang pag-iisip (thinking), perpekstibo at pagpapahalagang pangkasaysayan at sa iba pang disiplina ng araling panlipunan ng mag-aaral sa pamamagitan ng magkasabay na paglinang sa kanilang kaalaman at kasanayang pang-disiplina.
Pitong Tema
1. tao, kapaligiran at lipunan
2. panahon, pagpapatuloy at pagbabago,
3. kutlura, pananagutan at pagkabansa,
4. karapatan, pananagutan at pagkamamamayan
5. kapangyarihan, awtoridad at pamamahala,
6. produksyon, distibusyon at pagkonsumo
7. ungnayang pangrehiyon at pangmundo
Mga Kasanayan
o pagkamalikhain
o mapanuring pag-iisip at matalinong pagpapasya
o pagsasaliksik/ pagsisiyasat
o kasanayang pangkasaysayan at Araling Panlipunan
o pakikipagtalastasan
o pagpapalawak ng pandaigdigan pananaw, ay kasabay na nalilinang ayon sa kinakailangang pag-unawa at pagkatuto ng mag-aaral sa paraang expanding
Apat na Haligi ng Pagkatuto (Pillars of Learning)
1. makaalam
2. makagawa
3. maging ganap
4. makipamuhay