Pamantayan sa Programa (Core learning Area Standard):
Naipamamalas ang pag-unawa sa mga konsepto at isyung pangkasaysayan, pangheograpiya, pang-ekonomiya, pangkultura, pampamahalaan, pansibiko, at panlipunan gamit ang mga kasanayang nalinang sa pag-aaral ng iba’t ibang disiplina at larangan ng araling panlipunan kabilang ang pananaliksik, pagsisiyasat, mapanuring pag-iisip, matalinong pagpapasya, pagkamalikhain, pakikipagkapwa, likas-kayang paggamit ng pinagkukunang-yaman, pakikipagtalastasan at pagpapalawak ng pandaigdigang pananaw upang maging isang mapanuri, mapagnilay, mapanagutan, produktibo, makakalikasan, makabansa at makatao na papantay sa kinabukasan ng mamamayan ng bansa at daigdig.
Pangunahing Pamantayan ng Bawat Yugto (Key Stage Standards)
K-3
Naipamamalas ang panimulang pag-unawa at pagpapahalaga sa sarili, pamiya, paaralan, at komunidad, at sa mga batayang konsepto ng pagpapatuloy at pagbabago, distansya at dreksyon gamit ang mga kasanayan tungo sa malalim ng pag-unawa tungkol sa sani at kapaligirang pisikal at sosyo-kultural , bilang kasapi ng sariling komunidad at ng mas malawak na lipunan.