WE ALL HAVE A RACE TO RUN
by: Shela Heramis
by: Shela Heramis
Kung hindi kaya tumakbo, maglakad.
Kung hindi kaya maglakad, gumapang.
Basta mahalaga hindi tumitigil.
Makakarating ka din sa finish line!
Then, if you will look back sa mga pinagdaanan mo, masarap sa pakiramdam na hindi ka tumigil, hindi ka nagpatalo.
So, tuloy tuloy lang tayo!
Pero ang totoo, si Lord naman talaga ang nagsusustain sa kalakasan natin. As we surrender everything to Him, makikita natin na hindi talaga tayo sumuko kundi nagrecharge lang para magpatuloy.
Let's have that grateful heart every single time na umuusad tayo.
Pag-usad mula sa mapait na nakaraan.
Pag-usad mula sa madilim na kahapon.
Pag-usad sa bagong ikaw.
Pag-usad sa pag-abot ng pangarap.
Maghihilom ang lahat ng sugat ng iyong puso kapatid, kakayanin natin to. Kasama natin ang Panginoon.