Kilala ang Universal Studios sa pagbibigay ng magagandang karanasan sa mga bisita nito. Puno ng kapana-panabik at ibang-ibang uri ng mga sakayang pang libang at kamangha-manghang tanawin dito. Isa itong destinasyon na siguradong magugustuhan ng mga turista, kaya naman noong Hunyo 2019, pumunta kami ng aking pamilya dito para sa aming bakasyon.