Ang Filipino sa Piling Larangan (FPL) ay isang asignatura kung saan tatalakayin ang kahalagahan at kahulugan ng pagsulat at ang mga uri nito. Mahalagang gamitin ang wikang Filipino sa kursong ito para mahasa ang kakayahan ng mga mag-aaral sa paggamit ng wikang ito sa pagsusulat at pagpapayahag ng mga ideya at kaalaman.