Home › Implementation › Node Inventory › Approved Barangays
Approved Node Inventory banner showing validated GPX submission, complete 3-digit node numbering (001–005), and official approval status under the Road Rosario Comprehensive Road Inventory Project.
Ang page na ito ay naglalaman ng opisyal na listahan ng mga barangay na may Approved Node Inventory sa ilalim ng Road Rosario – Comprehensive Road Inventory Project.
Ang “approved” ay nangangahulugan na ang isinumiteng GPX file, complete node numbering, geotagged markers, at photo documentation ay nasuri at napatunayang sumusunod sa itinakdang standards at field protocols ng proyekto.
Ang bawat barangay na nasa listahang ito ay nagpakita ng kumpleto at maayos na node identification, tamang sequencing (hal. 001, 002, 003…), at wastong paggamit ng prescribed naming format.
Ang approval na ito ang nagsisilbing foundation para sa susunod na phase ng road inventory at integration sa municipal GIS database.
Patuloy pong ina-update ang listahang ito habang may mga bagong submissions na nasusuri at naaaprubahan.
Attention Barangay Palakpak:
Ongoing pa po ang Node Inventory. Pakiedit po ang node names sa Geo Tracker upang sundin ang tamang format. Ang dapat ilagay ay tatlong (3) digit na node number lamang.
Halimbawa: Para sa unang node, ang tamang pangalan sa Geo Tracker ay 001.
Approved as of Feb 22, 2026, 10:24 PM
65 nodes | See details here
Note: Approved ang Node Inventory ng Barangay Salao. Gayunpaman, pakiedit po ang marker names sa inyong Node Inventory GPX file. Pakitanggal po ang letrang “N” sa node name. Ang tamang format ay tatlong (3) digit na node number lamang. Halimbawa: 001.
Approved as of Feb 26, 2026, 12:29 PM
85 nodes | See details here
Note: Approved na ang Node Inventory ng Barangay Bulihan. Pakiaayos na lamang ang node numbering sa GPX file upang maging tatlong (3) digit ang format. Halimbawa: 01 → 001, 02 → 002.
Attention Barangay Macamlamcam A:
Ongoing pa po ang Node Inventory. Napansin na ang node names sa Geo Tracker ay hindi pa properly na-eedit. Ang standard format ay tatlong (3) digit na node number lamang.
Halimbawa: Para sa unang node, ang tamang marker name ay 001.
Attention Barangay Poblacion C:
Ang inyong isinumiteng GPX file ay walang nakalagay na numbered node markers. Pakisuri po at siguraduhing ang bawat node ay may tatlong (3) digit na node number bago muling isumite.
Attention Barangay San Roque:
Pakiedit po ang marker names sa inyong Node Inventory GPX file. Pakitanggal po ang salitang “NODE” at ang kasunod nitong space. Ang tamang format ay tatlong (3) digit na node number lamang.
Halimbawa: 001
Attention Barangay Colongan:
Sa kasalukuyan, wala pa pong submitted photo documentation ng bawat individual node para sa Barangay Colongan. Ang visualization na ito ay batay lamang sa GPX file ng Nodes Inventory na na-record sa field survey.
Project Workflow
Home | Node Inventory Plan | Inventory Sheet v.3 | Standard Station Naming in Geo Tracker | Stationing | Road Attributes
Project Outputs & Resources
Approved Node Inventory | Road Inventory Status | Presentations
Documentation