Home › Implementation › Node Inventory › Documentation › Barangay Mabunga
Nodes Inventory ng Barangay Mabunga na naka-visualize sa Google Earth Pro gamit ang GPX file mula sa field survey. Ipinapakita nito ang lokasyon ng bawat node at ang aktuwal na ruta ng pag-ikot ng survey team sa mga kalsada ng barangay.
Barangay Mabunga becomes the first barangay to submit a complete Nodes Inventory GPX file with photo documentation of all node locations.
Road Rosario | February 25, 2026
Isang mahalagang milestone ang naitala sa implementasyon ng Road Rosario Nodes Inventory Project matapos maging unang barangay ang Barangay Mabunga na makapagsumite ng kumpletong Nodes Inventory GPX file kasama ang larawan ng bawat node location.
Ang opisyal na submission ay ipinadala via email ni Barangay Secretary Florene T. Agno, na naglaman ng:
✅ Complete GPX file ng lahat ng na-inventory na nodes
✅ Photo documentation ng bawat node location
✅ Organized digital files para sa validation at GIS integration
Ang GPX file ay nagpapakita ng eksaktong ruta at lokasyon ng bawat node na naitala sa field, habang ang photo documentation naman ay nagsisilbing visual verification upang matiyak ang accuracy ng bawat entry.
Ang ganitong klase ng submission ay malaking tulong sa:
📍 Accurate GIS Mapping
🗂️ Mas mabilis na validation process
📊 Mas maayos na integration sa Municipal Road Database
📑 Standardized documentation across barangays
Ipinapakita rin nito ang kahalagahan ng maayos na field planning, tamang paggamit ng tracking tools, at disiplinadong pag-document ng bawat lokasyon.
Ang Road Rosario Team ay patuloy na tumatanggap ng Nodes Inventory submissions mula sa lahat ng barangay. Hinihikayat ang bawat barangay na tiyakin na:
Tama ang numbering ng nodes
Kumpleto ang GPX tracking file
May malinaw na larawan ng bawat node location
Organisado ang file naming sa Geotracker marker
Ang maayos na submission ay nakakatulong upang mapabilis ang validation at GIS consolidation process.
Nagpapasalamat ang Road Rosario Team sa Barangay Mabunga at kay Barangay Secretary Florene T. Agno sa kanilang maagap at maayos na pagsusumite ng Nodes Inventory report.
Ang ganitong inisyatiba ay nagpapakita ng aktibong pakikiisa ng barangay sa pagpapalakas ng ating Local Road Network documentation at planning.
Makikita sa mga larawang ito kung paano isinagawa ng Barangay Mabunga ang kanilang Nodes Inventory sa maayos at sistematikong paraan. Sa bawat lokasyon, personal na pinupuntahan ang eksaktong site ng node, nilalagyan ng temporary marker na may malinaw na node number (halimbawa: 001), at kinukuhanan ng litrato bilang visual documentation. Ang bawat larawan ay tumutugma sa isang geotagged point sa GPX file na kanilang isinumite, kaya malinaw ang verification ng eksaktong posisyon ng bawat node. Sa kabuuan, 45 na nodes ang naitala at na-geotag sa barangay, at bawat isa ay may katumbas na larawan bilang patunay ng aktwal na field validation. Ipinapakita nito ang kanilang maingat na pagsunod sa tamang proseso ng Nodes Inventory.
001
002
003
004
005
006
007
008
009
010
011
012
013
014
015
016
017
018
019
020
021
022
023
024
025
026
027
028
029
030
031
032
033
034
035
036
037
038
039
040
041
042
043
044
045
Huling Naitala sa Kabuuang 45 Nodes (as of February 25, 2026)
Barangay Secretary Florene T. Agno personally confirms the submission of Barangay Mabunga’s complete Nodes Inventory GPX file and photo documentation to the Road Rosario Team. February 25, 2026 | 10:0a am
Project Workflow
Home | Node Inventory Plan | Inventory Sheet v.3 | Standard Station Naming in Geo Tracker | Stationing | Road Attributes
Project Outputs & Resources
Approved Node Inventory | Road Inventory Status | Presentations
Documentation