Submit the soil sample to your respective Municipal Agriculture Office or directly to the Regional Soils Laboratory of the Department of Agriculture-RFO CAR in Baguio City.
Ipasa ang sample ng lupa sa inyong local na Tanggapan ng Pambayang Agrikultura o sa Regional Soils Laboratory ng Kagawaran ng Pagsasaka-RFO CAR sa Baguio City.
Kapag natanggap na ng Regional Soils Laboratory ang iyong sample, makatatanggap ka ng abiso sa pamamagitan ng Short Message Services o SMS, at ihahanda na ito para sa pagsusuri.
Ang iyong sample ng lupa ay susuriin para sa pH (acidity ng lupa), tekstura, nitroheno, posporus, at potasyo.
After analyzing the samples, the sample receiver prepares the test reports with fertilizer recommendations based on nutrient levels in soil.
Matapos suriin ang mga sample, inihahanda ng tumanggap ng sample ang ulat ng pagsusuri na may rekomendasyon sa pataba batay sa antas ng sustansya sa lupa.
Ang inihandang ulat ng pagsusuri na may rekomendasyon ay sasailalim sa pagsusuri at sertipikasyon.
Matapos sertipikahan ang pinal na ulat at rekomendasyon, ito ay isasailalim sa pinal na pag-apruba ng ILD Division Chief.
Kapag naaprubahan na, maaaring tingnan at i-download nang direkta mula sa website ang ulat ng pagsusuri kasama ang rekomendasyon sa pagaabono sa pamamagitan ng paglagay ng iyong reference code. Makakatanggap ka ng SMS na nagsasabing handa na ang iyong ulat para sa pagtingin at pag-download mula sa website. Nakapaloob din sa mensahe ang buod ng mga resulta ng pagsusuri at ang interpretasyon nito.