Soil testing is the process of analyzing soil samples to determine their nutrient content, pH level, and other properties. It helps farmers understand the soil condition, allowing them to apply the right amount and type of fertilizer to improve crop yield and soil health.
Ang pagsusuri ng lupa ay ang proseso ng pag-aaral ng mga sample ng lupa upang matukoy ang nilalaman ng sustansya, antas ng pH, at iba pang katangian. Nakakatulong ito sa mga magsasaka upang maunawaan ang kondisyon ng lupa at magamit ang tamang dami at uri ng pataba para mapabuti ang ani at kalusugan ng lupa.
Ang pagsusuri ng lupa ay maaaring gawin sa mga Rehiyonal na Laboratoryo ng Lupa ng Kagawaran ng Pagsasaka (DA), mga Tanggapan ng Panlalawigan at Pambayang Agrikultura, at ilang mga Pampublikong Pamantasan at Kolehiyo (SUCs) na may laboratoryo ng lupa.
3. How much does soil testing cost?
The cost of soil testing varies depending on the type of analysis required. Basic soil tests are provided for free to all farmers by the Regional Soils Laboratory in the Cordillera, while private laboratories may charge fees depending on the parameters analyzed.
Ang halaga ng pagsusuri ng lupa ay nag-iiba depende sa uri ng pagsusuring kinakailangan. Ang mga pangunahing pagsusuri ay ibinibigay ng libre ng Regional Soils Laboratory sa Cordillera para sa mga magsasaka, habang ang mga pribadong laboratoryo ay maaaring maningil depende sa mga sinusuring parametro.
4. How long does it take to get soil test results?
The processing time for soil test results varies. In our laboratory, it may take a few days to a few weeks, depending on the volume of samples received.
Ang oras ng pagproseso ng resulta ng pagsusuri ng lupa ay nag-iiba. Sa mga laboratoryo ng gobyerno, maaaring tumagal ito ng ilang araw hanggang ilang linggo, depende sa dami ng natatanggap na mga sample
5. What information is included in a soil test report?
A typical soil test report presents key parameters such as soil pH, organic matter content, and levels of macronutrients—namely nitrogen, phosphorus, and potassium along with other essential nutrients. In addition to these analytical results, the report often provides an interpretation of the findings and includes corresponding fertilizer recommendations tailored to the specific nutrient requirements of target crops.
Ang karaniwang ulat ng pagsusuri sa lupa ay naglalaman ng mahahalagang impormasyon gaya ng pH ng lupa, nilalaman ng organikong materyal, at antas ng mga pangunahing sustansya tulad ng nitrogen, posporus, at potasyo, pati na rin ang iba pang mahahalagang nutriyente. Bukod sa mga resultang analitikal, kalakip din sa ulat ang interpretasyon ng mga natuklasan at mga rekomendasyon sa pataba o abono na nakaayon sa partikular na pangangailangang nutrisyon ng mga pananim.
6. How do I collect a soil sample properly?
You can find the procedure on the proper collection and preparation of soil sample inside the “PROCESS” section of this website.
Maaari mong makita ang pamamaraan ng tamang pagkuha at paghahanda ng sample ng lupa sa loob ng seksyong "PROCESS" ng website na ito.
7. How often should I conduct soil testing?
Soil testing should be conducted at least once every three to five years. However, for intensive farming systems, annual testing is recommended to monitor soil fertility and nutrient depletion.
Ang pagsusuri ng lupa ay dapat gawin kahit isang beses bawat tatlo hanggang limang taon. Ngunit para sa masinsinang pagsasaka, inirerekomenda ang taunang pagsusuri upang subaybayan ang kasapatan ng sustansya at kalagayan ng lupa.
8. Can soil testing help reduce fertilizer costs?
Yes. Soil testing helps determine the exact nutrient needs of the soil, preventing over-application of fertilizers. This results in cost savings and prevents environmental damage due to excessive fertilizer use.
Oo. Nakakatulong ang pagsusuri ng lupa upang matukoy ang tamang dami ng sustansyang kinakailangan ng lupa, na pumipigil sa sobrang paggamit ng abono. Dahil dito, nakakatipid ang magsasaka at naiiwasan ang negatibong epekto sa kalikasan.
9. Can I use soil test results for organic farming?
Yes. Soil test results can guide organic farmers in improving soil health by identifying nutrient deficiencies and recommending organic amendments like compost or manure instead of synthetic fertilizers.
Oo. Ang resulta ng pagsusuri ng lupa ay makakatulong sa mga organiko na magsasaka sa pagpapabuti ng kalusugan ng lupa sa pamamagitan ng pagtukoy sa kakulangan ng sustansya at paggamit ng organikong abono tulad ng kompost o dumi ng hayop sa halip na sintetikong abono.
10. How can I access my soil test results online?
If your soil sample was analyzed at a laboratory with an online system, you can access your test results by visiting their website and entering your reference code. You will also receive an SMS notification once your test results are available.
Kung ang iyong sample ng lupa ay sinuri sa isang laboratoryo na may online na sistema, maaari mong makita ang iyong resulta sa pamamagitan ng pagbisita sa kanilang website at pagpasok ng iyong reference code. Makakatanggap ka rin ng SMS na abiso kapag handa na ang iyong resulta.
11. What should I do if I lost my laboratory code?
If you lost your laboratory code, you may contact the soil testing laboratory where you submitted your sample. Provide your name, contact details, and other identifying information to retrieve your results.
Kung nawala mo ang iyong laboratory code, maaari kang makipag-ugnayan sa laboratoryo kung saan mo ipinasa ang iyong sample. Ibigay ang iyong pangalan, contact details, at iba pang kinakailangang impormasyon upang makuha muli ang iyong resulta.
12. How do I interpret my soil test results?
Your soil test report will include a summary of findings, such as pH level, nutrient content, and recommendations. If you need help understanding the report, you may consult an Agricultural Extension Worker (AEW) or the soil testing laboratory for guidance.
Ang iyong ulat ng pagsusuri ng lupa ay maglalaman ng buod ng mga natuklasan, gaya ng antas ng pH, nilalaman ng sustansya, at mga rekomendasyon. Kung kailangan mo ng tulong sa pag-unawa ng ulat, maaari kang kumonsulta sa isang Agricultural Extension Worker (AEW) o sa laboratoryo ng lupa para sa gabay.
13. Can I request a hard copy of my soil test report?
Yes. If you need a printed copy of your soil test report, you may request one from the soil testing laboratory. In some cases, AEWs may also provide a printed report upon request.
Oo. Kung kailangan mo ng naka-print na kopya ng iyong ulat ng pagsusuri ng lupa, maaari kang humiling nito sa laboratoryo ng lupa. Sa ilang pagkakataon, maaaring magbigay din ng naka-print na ulat ang mga AEW kung hihilingin.
14. How can I ensure that my soil remains fertile over time?
Regular soil testing, proper fertilization, crop rotation, and the use of organic matter such as compost can help maintain soil fertility. Avoid overusing chemical fertilizers and practice sustainable farming techniques.
Ang regular na pagsusuri ng lupa, tamang paggamit ng pataba, pagpapalit-palit ng pananim, at paggamit ng organikong materyal tulad ng kompost ay makakatulong sa pagpapanatili ng kasaganaan ng lupa. Iwasan ang labis na paggamit ng kemikal na pataba at ipatupad ang mga sustainable na pamamaraan ng pagsasaka.
15. Does soil testing also check for heavy metals or contaminants?
Standard soil tests typically focus on pH and nutrients. However, specialized testing can detect heavy metals like lead, cadmium, mercury, or arsenic. If you suspect contamination, request a specific test from a certified laboratory.
Karaniwang sinusuri ng soil testing ang pH at sustansya ng lupa. Gayunpaman, may mga espesyal na pagsusuri na maaaring matukoy ang mabibigat na metal tulad ng tingga, cadmium, mercury o arsenic. Kung pinaghihinalaan mong may kontaminasyon, maaari kang humiling ng partikular na pagsusuri mula sa isang sertipikadong laboratoryo.
16. What crops are best suited for my soil based on the test results?
Your soil test report will provide insights into the soil’s nutrient levels and pH. However, determining the most suitable crops for planting depends on various factors such as climate, drainage, topography, and overall soil conditions. For a more comprehensive crop suitability assessment, you may contact the Bureau of Soils and Water Management through their website directory.
Ang iyong ulat ng pagsusuri ng lupa ay magbibigay ng impormasyon tungkol sa antas ng sustansya at pH ng lupa. Gayunpaman, ang pagtukoy ng pinaka-angkop na pananim ay nakadepende sa iba't ibang salik tulad ng klima, daloy ng tubig, topograpiya, at pangkalahatang kondisyon ng lupa. Para sa mas detalyadong pagsusuri ng angkop na pananim, maaari kang makipag-ugnayan sa Bureau of Soils and Water Management sa pamamagitan ng kanilang website directory.
17. What is the best time to conduct soil testing?
It is best to conduct soil testing before planting season or at least a few months before applying fertilizers. This allows time to make necessary soil amendments based on the test results.
Pinakamainam na magsagawa ng pagsusuri ng lupa bago ang panahon ng pagtatanim o ilang buwan bago gumamit ng pataba. Ito ay upang magkaroon ng sapat na oras para sa mga kinakailangang pagbabago sa lupa batay sa resulta ng pagsusuri.
18. How does soil testing help in sustainable farming?
Soil testing promotes sustainable farming by ensuring that fertilizers are applied efficiently, preventing overuse and nutrient depletion. It helps maintain soil health, supports better yields, and minimizes environmental impacts.
Ang pagsusuri ng lupa ay nakakatulong sa sustainable na pagsasaka sa pamamagitan ng tamang paggamit ng pataba, na pumipigil sa sobrang paggamit at pagkaubos ng sustansya. Pinapanatili nito ang kalusugan ng lupa, nagpapataas ng ani, at binabawasan ang negatibong epekto sa kapaligiran.
19. Who can I contact for more information about soil testing?
For more information, you may contact your local Agricultural Extension Worker (AEW) or the Regional Soils Laboratory–CAR at 074-442-7127 or 0930-778-0306. Inquiries are entertained Monday to Friday, from 8:00 AM to 5:00 PM, except on holidays.
Para sa karagdagang impormasyon, maaari kayong makipag-ugnayan sa inyong lokal na Agricultural Extension Worker (AEW) o sa Regional Soils Laboratory–CAR sa 074-442-7127 o 0930-778-0306. Tumatanggap po kami ng mga katanungan Lunes hanggang Biyernes, mula 8:00 AM hanggang 5:00 PM, maliban sa mga pista opisyal.