Mala-Masusing Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 5
I. Layunin
Sa pagtatapos ng aralin, ang 85% ng mga mag-aaral ay inaasahang:
nakapaglalarawan ng mga pangyayari na makikita sa larawan;
nakabubuo ng jigsaw puzzle na nagpapakita ng mga pangyayaring nagkakaisa; at
nasasabi ang kahalagahan ng pakikiisa sa mga pangkatang gawain.
II. Paksang Aralin
A. Paksa: Nakikiisa Ako sa Paggawa
B. Sanggunian: Ylarde, Z. at Peralta, G. (2020). Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon Batayang Aklat 5, pp. 30-37
C. Kagamitan: jigsaw puzzle na nagpapakita ng pagkakaisa, mga larawang may pagkakaisa at walang pagkakaisa, at biswal eyds
D. Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa Bayanihan, Pagmamahal sa Paaralan at Pagkakaroon ng Pagkakaisa
III. Pamamaraan
A. Paunang Gawain
Ang klase ay magsisimula sa isang panalangin.
Babatiin ng guro ang mga mag-aaral. Isasaayos ng mga mag-aaral ang kanilang upuan at pupulutin nila ang mga kalat sa silid aralan. Tutukuyin ng guro kung sino ang mga liban sa klase.
Ipapaalala ng guro ang mga pamantayan o dapat tandaan kapag nasa loob na ng silid aralan.
Magbabalik aral ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na tanong:
a. Ano ang paksang ating pinag-aralan kahapon?
b. Bakit mahalaga na maging matapat sa lahat ng oras?
c. Sino-sino ang makapagbibigay ng mga halimbawa ng mga gawaing nagpapakita ng katapatan?
B. Pagganyak
Hahatiin ng guro sa tatlong pangkat ang klase (depende sa dami ng mag-aaral) sa pamamagitan ng pagbibilang ng isa hanggang tatlong bilang. Ang bawat pangkat ay pipili ng kanilang magiging lider na siyang magpapalabunutan o kukuha ng sobre na naglalaman ng iba’t-ibang jigsaw puzzle. Ito ay kanilang bubuoin at pagkatapos mabuo ay kanilang ilalarawan na siyang ibabahagi ng lider sa klase. Ang mga sumusunod ay ang makikita sa larawan:
a. Bayanihan
b. Paggawa ng proyekto
c. Paglilinis sa paaralan o kapaligiran
C. Paglalahad ng Paksa at Layunin
Sasabihin ng guro sa mga mag-aaral na ang kanilang magiging paksa ay tungkol sa Nakikiisa Ako sa Paggawa.
D. Pagtalakay
Ipapaliwanag ng guro kung ano ang pagkakaiba ng pakikiisa sa pagkakaisa at kahulugan ng paggawa. Magpapakita ang guro ng larawang nagpapakita ng pagkakaiisa at walang pagkakaisa. Ilalarawan ng mga mag-aaral ang kanilang nakikita. Magtatanong ang guro sa mga mag-aaral gamit ang mga sumusunod na tanong:
a. Ano ang maaaring mangyari kung ang isang pangkat ay nagpapamalas ng pagkakaisa sa kanilang gawain?
b. Ano ang maaaring mangyari kung walang pagkakaisa ang isang pangkat?
Ipagpapatuloy ng guro ang pagdikit ng mga larawan na nagpapakita ng pakikiisa sa gawain. Ilalarawan ng mga mag-aaral ang kanilang nakikita. At tatalakayin ng guro sa klase ang kahalagahan ng pakikiisa sa mga gawain.
E. Paglalapat
Bibigyan ng guro ang piling mag-aaral ng iba’t-ibang imahe.
Sa pisara ay may dalawang hanay. Sa unang hanay ay idikit ng mga mag-aaral ang mga larawan na nagpapakita ng pakikiisa sa gawain at sa ikalawang hanay naman ay mga larawan na walang pagkakaisa.
Pagkatapos matukoy, ipapaliwanag ng mga mag-aaral ang kanilang dahilan kung bakit nila ito inilagay sa una o ikalawang hanay.
F. Paglalahat
Tatawagin ng guro ang ilang mag-aaral para magbigay ng isang pangungusap na magbubuod ng paksang napag-aralan.
IV. Pagtataya
Tukuyin kung ang pahayag sa ibaba ay nagpapakita ng pagkakaisa sa paggawa. Isulat kung Oo o Hindi. Pangatwiranan ang iyong sagot.
Pagdalo sa mga pagpupulong ng mga miyembro ng pangkat.
Pakikilahok sa palitan ng opinyon kung paano gagawin ang proyekto.
Pagsasaliksik sa silid-aklatan kung paano higit na mapabubuti ang paggawa.
Patuloy na paglalaro samantalang gumagawa ng proyekto ang mga kasamahan.
Pakikinig sa opinyon ng ibang miyembro ng pangkat.
Pagsunod sa utos ng pinuno ng pangkat.
Pamimintas sa ideya ng kasama.
Pagtulong sa kasama na tapusin ang bahagi nito sa proyektong ginagawapagkatapos gawin ang sariling bahagi.
Pagtatago ng mga materyal na kailangan upang hindi magamit ng kasama.
Pagbati sa mga kasama kapag natapos ang proyekto.
V. Takdang Aralin
Sagutan sa kuwaderno ang Subukin Ito, Letrang A, B, at C sa pahina 36 at 37 ng inyong aklat na Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon Batayang Aklat 5.
Inihanda ni:
Raul E. Orciga Jr.
© 2022 Raul Orciga All Rights Reserved.