ni: Sage Alexson Cater
Pinayuko ng Eulogian Basketball Team ang pambato ng Pugo Central National High School sa nagdaang Division Basketball Championship match nitong ika-13 ng Disyembre, 2024 na naganap sa Bacnotan National High School. Ang pagkapanalo nila ang magdadala sa sagisag ng paaralang kinabibilangan sa R1AA Meet 2025.
Pinangunahan ng coach na si G. Luis Gonzales at ng kaniyang assistant coach na si G. Dwight Viloria ang koponan na binubuo nina Jumar Supsup, Kyle Balmaña, Syril Mico, Aaron Gagtan, Aaron Sabado, Rowie Abuan, Andel Borillia, Fritzey Alberto, Deon Fontanos, Adrianne Malinao, Jeanrhye Bagtas, at John Mark Hagunos.
Sa championship match, kumolekta ng 86 puntos ang Eulogians samantalang 78 puntos naman ang nahakot ng Pugo. Winakasan ni Kyle Balmaña ang laban na siyang umiskor ng huling puntos at sinelyuhan ang kanilang pagsungkit sa kampeonato. Siya rin ang tinaguriang Finals MVP. Nasungkit naman ni Jumar Supsup ang titulong Season MVP. Sa kasalukuyan ay batak sa ensayo ang koponan upang paghandaan ang nalalapit na Region 1 Athletic Association Meet na magaganap sa ika-10 ng Marso sa bayan ng Bacnotan, La Union.
COURTESY: Lagtaw Dance Troupe FB Page
DEGMNHS Dancers, Sumabak Sa OPEN DANCE SPORTS COMPETITION
Nag-uwi ng samut-saring parangal ang dance sports athletes ng Don Eulogio sa nagdaang Open Dance Sports Competition na ginanap sa Urdaneta City, Pangasinan nitong ika-7 ng Disyembre, 2024. Binuo ng mga mananayaw mula sa munisipalidad ng Bauang, Bacnotan, at Rosario ang mga naging pambato ng La Union sa nasabing patimpalak. Sumabak ang Team La Union sa mga kategoryang Youth, Junior, Juvenile, Solo Dance, Couple, at Third Gender.
Mula sa Don Eulogio, nakilahok sina Jhundre Rimando at Trisha Mae Flores na tumuntong sa sa 4th place sa Youth Grade C sa larangang Latin. Pumasok sila sa semi-finals at naabot ang ika-5 puwesto sa Grade A at Grade C. Umabot din sa Grade C semi-finals sina Cedrick Rivera at Princess Yesha Sabado sa parehong larangan at tumuntong sa Rank 7 ng Grade A.
Ayon sa kanilang coach na si Bb. Getryl Gualberto, ang kanilang pagsali sa mas malaking entablado ng dance sports competition sa unang pagkakataon ang nagsilbi nilang paghahanda para sa Division Meet noong ika-12 ng Disyembre. Doon ay nagkaroon din ng pagkakataon ang mga kalahok na makita sa personal ang kanilang mga iniidolong Tiktokers.
Ayon naman kay Jhundre Rimando, hindi naging madali ang kompetisyon dahil hindi maikakailang magagaling ang kanilang mga nakalaban. Hindi rin basta-basta ang kanilang preparasyon. Sa kabila nito ay marami silang natutunang techniques mula sa iba't ibang mananayaw na maaari nilang gamitin sa mga susunod pang laban.