COURTESY: Municipality of Bauang, La Union FB Page
ni: Dylane Joy Esguerra
Nagpasilaw sa mga manonood noong Enero 4, 2025 ang pinakahihintay na Mutia Ti Bauang 2025 Coronation Night na ginanap sa BNCS, na kung saan naglaban-laban ang labing-dalawang (12) naggagandahang mga kandidata para sa inaasam-asam na korona.
Ang kaganapan na ito ay pinangunahan ng mga kilalang tao na sina Marco Gumabao at Jenela Tuguinay-Cachero, na kilala bilang Jenela sa Japan na Social Media Influncer. Itinampok ang programang ito sa isang makulay na production number, talent showcase, swimsuit competition, evening gown presentation, at Q&A.
Nagbigay rin ng may inspirasyong mensahe ang mga lokal na pinuno na sinimulan ni Provincial Vice Governor Mario Eduardo C. Ortega and Municipal Mayor Eulogio Clarence Martin P. De Guzman III na naghatid ng mensaheng may inspirasyong para sa lahat. Binigyang-diin ni Mayor De Guzman ang pamanang kapayapaan at kaayusan sa ilalim ng kaniyang administrasyon.
Nagwagi bilang Mutia Ti Bauang 2025 si Mellard Flaire Dumrique (#12), na nakabihag sa mga hurado at manonood. Ang pag-uwi ng korona ni Dumrique ay ang nagsilbing highlight ng isang gabing puno ng saya at kaguluhan dahil sa kaniyang pagkapanalo.
COURTESY: Municipality of Bauang, La Union FB Page
Kasama rin sa mga nag-uwi sa ilang mga gantimpala ay sina Miss Baggak 2025 Ashley Nicole Galvan na (6), Miss Tourism Samantha Nicole Labsang, 1st Runner-Up: Raicel Sophia Abellera (11), 2nd Runner-Up: Edralyn Abubo (4)
Pinahanga ng mga kalahok na ito ang mga hurado sa kanilang mga matalisik na sagot, na nagpapakita ng kanilang talino kasama ng kanilang nakakabighaning ganda.
DEGMNHS, Humakot ng Parangal sa Fun Fiesta 2024!
Pinatunayan ng DEGMNHS ang kanilang dedikasyon sa sining at kultura sa pamamagitan ng pagiging mahusay na kung saan nagsama-sama ang mga paaralan sa iba't ibang panig ng bansa.
Nagdulot ito ng pagmamalaki at karangalan sa paaralan ng (DEGMNHS) matapos na makamit ang kampeon na karangalan sa Mixed Art Category sa 12th National Performing Arts Festival (FUN-FIESTA SA PILIPINAS 2024). Ang hybrid competition ay ginanap mula Nobyembre 28 hanggang 30, 2024, na ginanap sa Cattleya Resort, Colaique, San Roque, Antipolo City.
Ang mga kalahok ay binubuo nina Mishaine Myca B. Maglaya, Jersey Jade B. Baltazar, Mary Azrielle Eunice R. Javillonar, Olivia J. Halog, at Jennylyn H. Thapa, ay nagpakita ng pagkamalikhain at pagtutulungan ng magkakasama sa ilalim ng paggabay ng kanilang mga tagapagsanay na sina Gng. Arlance Sandra Marie M. Garcia, Gng. Micheil-Marie S. Pascua, G. Alvin D. Mangaoang, PhD, Gng. Marilyn H. Banusing, at Gng. Cleofe M. Lacbao, PhD.
Para naman sa Indibidwal at Team Awards, nakamit din ng iba pang mahuhusay na kalahok mula sa DEGMNHS. Ang mga nagkamit ng gantimpala ay sina Trina Sofia R. Elivado na siyang nakasungkit ng unang gantimpala sa larangan ng Dagli, na tinuruan nina Gng. Catherine V. Estigoy, G. Alvin D. Mangaoang, PhD, at Bb. Esther G. Cortez.
COURTESY: DEGMNHS FB Page
Nakuha din ng Ang Tulay Film Productions ang pangalawang gantimpala sa parehong Sining Lantaw Documentary at Short Film Categories, na pinangunahan ng creative team ng labing isang (11) estudyante at ang kanilang mga tagapagsanay na sina Gng. Gracia G. Garcia, G. Alvin D. Mangaoang, PhD, Gng. Delia A. Estrada, Gng. Jonabelle R. Rimando, G. Joel C. Garcia, at Gng. Arlance Sandra Marie M. Garcia.
Nagkamit rin pangalawang gantimpala ang BuritekTek Likhang Pinta Artists sa larangan ng Likhang Pinta, na kinatawanan nina Princess Mae M. Magpili, Aeazhelle Jhuris R. Cabradilla, Christine May P. Gamayen, Edelyn Mae G. Marticio, at Glen Angelu V. Dela Cruz kasama ang kanilang tagapagsanay na si Gng. Grecilia L. Magpili, PhD.
Kabilang sa mga karagdagang pagkilala ang mga kalahok na sina Michaela G. Patacsil na nagkamit ng Pangatlong gantimpala sa Diona, Tanaga, at Dalit. Sa kabilang banda nasungkit din ni Meiyesha Bless D. Panol ang pangatlong gantimpala sa larangan ng Monologue.
Sa kabilang dako nakuha rin ng Likahang Estilo Eulogiano team ang pangatlong gantimpala sa larangan ng Fashion Designing at Illustration, na pinangunahan nina Logylle Mae T. Flores, Krystalyn Hope H. Banusing, Jaynie Nicole C. Magtoto, Clarissa R. Achera, at Angela Mae C. Abiol.
Ang Punong Guro na si Dr. Eliseo Buenafe, Assistant Principal Reynaldo J. Estacio, at Head Teacher III Dionisio Sandaga, kasama ang iba pang mga department head at staff, ay nagpaabot ng kanilang buong suporta sa mga kalahok. Ang dedikasyon ng mga tagapagsanay at ang pagsusumikap ng mga estudyante ay isang naging instrumento upang makamit nila ang mga parangal.
Paparating na Division Schools Press Conference, Pinaghahandaan na ng mga Pambato ng DEGMNHS
Puspusan ang paghahanda ng mga kalahok ng Don Eulogio De Guzman Memorial National High School para sa nalalapit na Division School Press Conference. Hinahasa ng mga kalahok ang kanilang mga kasanayan sa iba't ibang kategorya ng dyornalismo upang irepresenta ang kanilang paaralan. Sa kasalukuyan, nasa ilalim ng pagsasanay ang mga kalahok na ginaganap sa silid aklatan ng paaralan. Sinimulan ito noong ika-7 ng Enero taong kasalukuyan na pinangunahan ng mga guro sa kagawaran ng Filipino na sina Dr. Alvin D. Mangaoang, Gng. Delia A. Estrada, Gng. Catherine Estigoy, Gng. Gracia G. Garcia, Gng. Karen Xenia C. Abuan, Gng. Maribel Gapuz, Bb. Dyan May T. Viloria, Bb. Esther Cortez, Gng. Jonabelle Rimando, Gng. Shaira G. Carbonell, G. Adrian Flores, G. Michael Orque, at Gng. Ruby Xenia Aspiras.
Isinagawa rin ang simulation upang ihanda ang mga mag-aaral para sa aktwal na scenario ng kompetisyon. Ang mga sesyon na ito ay nagbibigay ng paunang tikim sa kung ano nga ba ang mga aasahang kaganapan sa araw ng kompetisyon. Ang paghahanda para sa DSPC ay nagpaunlad din ng pagtutulungan at samahan ng mga kabilang sa Ang Tulay.