Direktor
Dakip "Kip" Oebenda
"Liway"
Glaiza De Castro
"Ric"
Dominic Roco
"Dakip"
Kenken Nuyad
Isang batang lalaki na si Dakip ay nabuhay sa loob ng kulungan sa panahon ng rehimeng Marcos, kasama ang kanyang anti-Marcos na ina na si Cecilia Flores-Oebanda, kilala rin bilang Komander Liway.
Sa loob ng kulungan, palaging kine-kwentuhan si Dakip o "Kip" ng kanyang inang si Liway upang protektahan siya sa katotohanang siya ay lumaki sa loob ng kulungan, pati na rin sa mga paghihirap na kailangang pagdaanan ng kanyang ina bilang komander at lider ng samahang anti-Marcos.
Ang pelikulang Liway ay nagsasalaysay ng totoong buhay ng direktor ng pelikula, si Dakip Oebenda o kilala sa palayaw na "Kip".
Ipinangako niya sa kanyang sarili na habang-buhay niyang ipagkakapuri ang kagitingan ng kanyang mga magulang, na kanyang isinakatuparan sa pamamagitan ng pagbuo ng pelikulang ipinaaalingawngaw sa buong bansa ang storya nila bilang mga martir sa panahon ng Martial Law.