Katutubong awit - o Filipino Folk Songs ay mga awiting sumasalamin sa araw-araw na pamumuhay ng mga katutubo at mamamayan ng Pilipinas. Ang mga awiting ito ay nagkukuwento tungkol sa mga katutubo,na ng mga probinsya sa kanilang simpleng pamumuhay, at kung paano nila ginagawa ang iba’t ibang gawain. Tulad din ng ibang katutubong awitin sa mga bansa sa Asya, ang mga liriko at paksa ay kadalasang may kaugnayan sa kalikasan.
Doon po sa amin, bayan ng San Roque
May nagkatuwaan apat na pulubi;
Nagsayaw ang pilay, umawit ang pipi,
Nanood ang bu-lag, nakinig ang bingi.
Doon po sa amin maralitang bayan,
Nagkatay ng hayop, Niknik ang pangalan,
Ang taba po nito nang maipatunaw
Ang nakuhang langis siyam na ta-payan.
Doon po sa amin, bayan ng Malabon,
May isang matandang nagsaing ng apoy,
Palayok ay papel, papel pati tungtong
Tubig na malamig ang iginagatong
Ang awit na Doon po sa amin ay tungkol sa apat na pulubi at isang matandang babae. Kadalasang ginagamit ang kantang ito bilang isang pagwawangis na hindi lahat ng bagay na ating nakikita ay totoo. Ginamit din ang bayan ng San Roque sa awit na ito dahil ito kilala ito bilang isang mahiwagang baryo sa Philippine mythology. Kadalasan ding sinasabi na walang saysay ang awitin na ito .Para sa iba ang awitin na ito ay isa lamang uri ng biro.
Dandansoy bayaan ta ikaw
Pauli ako sa payaw
Ugaling kon ikaw hidlawon
Ang payaw imo lang lantawon
Dandansoy kon imo apason
Bisan tubig di magbalon
Ugaling kon ikaw uhawon
Sa dalan magbubon-bubon
Convento, diin ang cura?
Municipio, diin justicia?
Yari si dansoy maqueja.
Maqueja sa paghigugma.
Ang panyo mo cag panyo co
Dala diri cay tambijon co
Ugaling con magcasilo
Bana ta icao, asawa mo aco.
Ikinukuwento ng kanta ang pamamaalam kay Dandansoy ng kasintahan na uuwi sa Payaw. Gayunman binibigyan ng babae si Dandansoy ng pagkakataón upang patunayan kung wagas ang pagibig. Nása unang saknong ang pamamaalam at pagbibilin kay Dandansoy na kung ito ay mangulila o ‘hidlawon’ ay maaari siyáng makita sa Payaw. Sa pangalawang saknong, binabalaan ng mang-aawit si Dandansoy na kung ito ay susunod (“apason”), huwag magbabaon ng tubig. Subalit kung ito ay mauuhaw, sa daan ay may maiinumang balon (“magbubon-bubon”). Sa pangatlong saknong, itinatanong kung nasaan ang kura sa kumbento at nasaan ang hustisya sa munisipyo dahil magsasampa ng kaso (“maqueja”) si Dandansoy – kaso sa pag-ibig.
Ako magtatanom lawiswis kawayan
Akon la kan pikoy palataylatayan
Sabahis nga pikoy ka-waray batasan
Sinmulod ha kwarto, kan inday higdaan.
An panyo, an panyo nga may sigarilyo,
Ginpiksi ni Inday kay may sentimiento
An nasisinahan, an nabi- an nabibidu-an
Tungod la han gugma nga waray katuman
An ine nga hugpo lawiswis kawayan
Diin an higugma nga may rayandayan
Magburugto gayud mga gin-angayan
Maglipay ngatanan mga kasangkayan.
An ine nga pikoy nga pikoy paglupad murayaw
Natungtong han sanga dagos paparayaw
Binuklad an pako, an pako daw hilaw nga dahon
An iya pagrayhak nga ak ginkinantahan.
Hi Mano Palabio mahal magbaligya
Adobo, sitsaron, upod an mantika
Ginpadisan hin luyat nga tarong
Hi Mano Palabio mahal la gihapon.
Ang lawiswis sa salitang waray ay may kahulugan na itaas na bahagi ng kawayan. Samantalang ang tinutukoy na "Lawiswis Kawayan" ay ang tunog na nagmumula sa mga dahon ng kawayan kapag itoy nahahanginan.Ang mensahe ng Lawiswis Kawayan ay ang pag-ibig na wagas sa pagitan ng dalawang magkasintahan. Ang paghingi ng tawad at pagpapatawad kapag ang isa ay nagkasala o nagkamali. Isang pagmamahalan wagas at dalisay ng dalawang taong nagmamahalan.
Atin cu pung singsing
Metung yang timpukan
Amana ke iti qng indung ibatan
Sangkan keng sininup qng metung a kaban
Mewala ya iti eku amalayan
Waa...
Atin cu pung singsing
Metung yang timpukan
Amana ke iti qng indung ibatan
Sangkan keng sininup qng metung a kaban
Mewala ya iti eku amalayan
Ing sukdal ning lub ku
Susukdaul qng banua
Mengurus kung gamat
Babo ning lamesa
Ninu mang manakit
Qng singing kung mana
Kalulung pusu ku, manginu ya keka
Ikit keing singsing mung mana
Bayu je ibye keka
Ibye mepa ing mayumung mung wa!
Atin cu pung singsing
Metung yang timpukan
Amana ke iti qng indung ibatan
Sangkan keng sininup qng metung a kaban
Mewala ya iti eku amalayan
Ing sukdal ning lub ku
Susukdaul qng banua
Mengurus kung gamat
Babo ning lamesa
Ninu mang manakit
Qng singing kung mana
Kalulung pusu ku, manginu ya keka
Ang katutubong awit, ay nagtatanghal sa isang babae bilang pangunahing karakter at isang lalaki bilang pangalawang karakter. Ang babae sa awit ay naghahanap ng nawawalang singsing na ibinigay ng kanyang ina. Iniaalok ng babae ang kanyang pagmamahal bilang isang premyo para sa lalaking makakahanap ng singsing nito. Ang pinagmulan awitin ay hindi alam, at nagkaroon ng debate kung ito ay noong sinaunang kasaysayan o panahon ng kolonyal . Ngunit ang tono nito ay pinaka-malamang mula sa ika-18 siglo dahil ito ay katulad sa mga Espanyol at Mexicanong katutubong awitin ng panahong iyon.
Buyayang buyayang buyayang sa tubig
akoy nanakayan walay katig katig
Walay bugsay bugsay bukton ray pangkaykay pagdunggo sa baybay nagakapaykapay
Sa yutang gisaad katin aw sa tubig dayo ug lumad kalinaw ang ibig apan isang araw punlo ay
umulan nawasak nahan na munting kabuhayan
Didto sa mindanao duna kami balay ang kanhi nga lagkaw ni nanay ug tatay sila gapanguhag
huway ug bagakay arun pabayluag mga isdang gagmay
Minsay isang tatay payapang nag bungkal katabang ni nanay sa lupang gi mahal naay munting
paslit na nais mag aral digmaan at sakit hinooy umiral
halina't magmasid mag magunawan kuyog at kuliglig panay ang tagisan may sa himpapawid sa
radyot lathalan
may sa himpapawid, may sa himpapawid
may sa himpapawid sa radiot lathalan ngunit di marinig ang tinig ng bayan
Ang awit ay tungkol sa isang “water strider”. Ang water strider ay isang uri ng insektong naninirahan sa tubig. Ang mga water strider ay kilala rin bilang “water skippers” o “Jesus bugs” dahil sa kakayahan nitong maglakbay sa ibabaw ng tubig. Ginagamit ito bilang isang metapora na walang imposible sa mundo. Minsan din ay ginagamit ang mensahe ng kantang ito bilang isang kanta tungkol sa kapayapaan.