Direktor
Glenn Barit
"Junjun"
Andrei Marquez
"Stephanie"
Ianna Taguinod
"Eman"
Leomar Baloran
Nagsimula ang istorya sa limang magka-klaseng nakatakda bilang “cleaners” ng kanilang silid-aralan. Tinalakay ang kani-kaniyang buhay nina Stephanie, Angeli, Francis, Britney, at Junjun, pati na rin kung paano sila tinuruan ng kanilang mga karanasan bilang mag-aaral.
Hindi nila inaasahan na ang mga magagandang bagay pala sa buhay ay maaaring ding magbunga mula sa di-marikit na pangyayari. At kalakip nito ay ang pagiging di-estranghero sa hubad na katotohanan ng lipunan.
Pinamagatang “Cleaners” upang magsimbolo ng kagustuhan ng bawat mag-aaral na hanapin ang kanilang luwalhati't kapayapaan sa gitna ng magulo at masakit na reyalidad ng lipunan. Ang paglalahad ng kuwento ay nagwakas sa huling araw ng taong panuruan bilang pagpapakita rin ng kanilang pagtatapos mula sa pagkabatang kaisipan.