Direktor
Auraeus Solito
"Alban"
Assunta De Rossi
"Sadya"
Ruby Moreno
"Bagtik"
Adrian Sebastian
Ang pelikulang Baybayin ay naglalahad ng kwento ng dalawang magkapatid na si Alba at Alban. Sila ay umibig ng iisang lalaki na si Bagtik na isang bingi at pipi, kaya ang tanging komunikasyon nila'y sa pamamagitan ng Baybayin—isang makalumang paraan ng pagsulat sa Filipino. Ang uri Baybayin na ibinida sa pelikula ay tinatawag na Surat Inaborlan o tinatawag ding Aborlan. Ipinangalan ang partikular na pagsulat na ito sa isla sa Palawan kung saan ito nagsimulang gamitin.
Isang araw, ang kanilang komunidad ay nanganib dahil sa pagbabalak ng isang dayuhang investor na bilhin ang kanilang lupa. Ngunit ipinaglaban ng mga Palawan ang kanilang lupa hanggang sa kanilang huling hininga.
Hindi lamang kwentong pag-ibig ang Baybayin (Palawan Script). Ito ay tungkol sa pag-alala sa nakaraan at pagpapahalaga sa kultura sa pamamagitan ng paggamit ng sariling wika, upang mapatatag ang pagkakakilanlan bilang isang Pilipino.
Ang buong pelikula ay ginanap sa isla ng Palawan bilang ikalawang parte ng Trilohiya na gawa ni Auraeus Solito, at ang pelikulang ito ang representasyon ng kultura ng isla. Ang unang parte ng Trilohiya, Busong (Palawan Fate) na nagpapakita ng pilosopiya ng mga Palawan. Habang ang ikatlo, Sumbang (The Palawan Deluge) ay magpapakita ng kasaysayan ng mga Palawan.
Ang ikatlong pelikula sa Trilohiya na Sumbang (Palawan Deluge) ay nasa ilalim pa rin ng produksiyon at paghahanda ayon sa direktor na si Auraeus Solito nang kontakin ito ng Pangulo ng KamFil sa tulong ng Film Development Council of the Philippines