ni Kean Bunye
Meron akong matalik na kaibigan,
At ang unang letra ng pangalan ay "P";
Pala-ngiti, pala-tawa, palatulog.
Nagtatapos naman ito sa letrang "B".
Kilala ko siya noong kindergarten.
Ang tawag ko sa kanya ay Kimmy Dora.
Mabait nga ang sansinukob sa amin;
Pagkakaibigan na hanggang High School pa.
Ang tawa mo ay puno ng kasiyahan
Na tinataboy ang madilim na mundo.
Kung sana ay ako ay mahawaan rin
Ng tanging liwanag na tinataglay mo.