Ang Rizal Park o Luneta Park ay makikita sa Ermita, Manila.
Ito ay tinatawag na Luneta dahil sa hugis ng kalahating buwan, ang Luneta Park ay mayroong mahalagang bahagi sa kasaysayan ng Pilipinas. Dito sa Rizal Park ay makikita ang monumento ni Rizal na kilala bilang Pambansang Bayani. Ito ay nagsilbing huling hantungan ni Rizal sapagkat dito siya binarily at pinatay noong Disyember 30, 1896. Mayroong mga sundalo na mula sa ating military ang nakatayo sa tabi ng monumento ni Rizal upang maipakita ang pagrerespeto at pagpapahalaga sa ating Pambansang Bayani. Ang Luneta Park ay mayroong bukas na espasyo, mga puno at mga magagandang bulaklak at magandang maglakad sa paligid, mayroon din mga palaruan para sa mga bata.