Itong parke ay makikita sa Baguio.
Ang Burnham Park ay makasaysayang urban park sa Baguio. Maraming puwedeng gawin dito sa parkeng ito, maaaring magbiskeleta, pamamangka, at pagtakbo, ang lugar na ito ay mayroong malamig na klima. Ang lugar ay nasa mahigit kumulang 1500 metro ang taas ng lungsod na naaayon sa paglaki at pagdami ng mga punong pino at mga halaman. Ang lungsod ng Baguio ay ginawang Summer Capital ng Philippine Commission noong ika-1 ng Hunyo ng taong 1903, at makalipas ang isang taon inatasan ang sikat na arkitekto na si Daniel Burnham na gawan ng plano ang pagpapaunlad ng lungsod. Ang Burnham Park ay pinangalanan mula sa sikat na arkitekto, siya ang gumawa ng plano para sa parke at sa lungsod.