Ang mga Aztec ay isang nomadikong tribo ng Mesoamerica. Itinayo nila ang kanilang kabisera sa isang isla sa gitna ng lawa na kanilang tinawag na Tenochtitlan (Mexico sa kasalukuyan). Sa kabila ng kanilang lokasyon, sila ay nakapagtatanim pa rin sa tulong ng mga chinampas. Bukod sa mga templo, makikita rin sa kanilang kabisera ang mga pamilihan at plaza.
Nakilala ang mga Aztec bilang malupit na imperyo dahil sa kanilang paraan ng pagsamba sa kanilang mga diyos. Sila ay nag-aalay ng mga tao para sa kanilang mga diyos at isa rin ito sa kanilang naging paraan upang mapabagal ang paglaki ng populasyon. Ang ilan sa kanilang mga pangunahing diyos ay si Huitzilopochtli, diyos ng araw at si Quetzalcoatl na simbolo ng kamatayan at muling pagkabuhay.