Meridian - patayong imahinasyon guhit sa globo.
- ito ay nakaguhit mula hilaga patimog ng globo.
- Hilagang Polo (North Pole) at Timog Polo (South Pole) ang tawag sa magkabilang dulo ng globo sa hilaga at sa timog.
- may dalawang espesyal na meridian- ang Prime Meridian at ang International Date Line.
Prime Meridian - ang naghahati sa globo sa dalawang bahagi- ang silangang hating-globo at kanlurang hating- globo.
- tinatawag din itong Greenwich Meridian sapagkat bumabagtas ito sa Greenwich, England.
International Date Line (IDL) - imahinasyong guhit na naghahati sa mundo sa magkaibang araw.
-ang bahagi ng mundo sa silangan ng IDL ay nauuna ng isang araw kaysa sa bahaging nasa kanluran ng guhit na ito.
-matatagpuan ang IDL katapat ng Prime Meridian sa kabilang panig ng daigdig.
Parallel - ang parallel ay ang pahigang imahinasyong guhit sa globo. Nakaguhit ito ng paikot mula silangan pakanluran ng globo. Magkakapantay ang layo ng mga parallel sa isa't isa.
Ekwador - ay matatagpuan sa gitnang bahagi ng globo, may pantay na layo mula sa North Pole at South Pole.
-imahinasyong guhit na humahati sa daigdig sa hilagang hating-globo at timog-hating globo.
-pinakamalaking bilog na likhang guhit na parallel.