Sa aming isinagawang paguulat at portfolio, sa pamamagitan ng globo at mapa, mas naging malinaw kung paano natutukoy ang eksaktong kinalalagyan ng Pilipinas gamit ang latitude at longhitud. Ang pag-aaral ng absolute at relatibong lokasyon ay nagbigay ng pananaw kung paano nakakaapekto ang posisyon ng bansa sa klima at pandaigdigang ugnayan. Ang paggamit ng absolutong lokasyon (latitude at longhitud) ay nagpakita ng tiyak na posisyon ng bansa sa Hilagang Hemisperyo at Silangang hemispero. Ang relatibong lokasyon ay nagbigay-diin sa koneksyon ng Pilipinas sa kalapit na bansa tulad ng Taiwan, Indonesia, Malaysia, at Vietnam. Ang paggamit ng globo ay nagpakita ng tunay na hugis ng mundo at ang tamang posisyon ng Pilipinas sa pandaigdigang ugnayan. Ang mga mapa ay naging instrumento sa mas detalyadong pagsusuri ng mga hangganan ng bansa at pandaigdigang koneksyon.
Base sa aming pananaw ang pagtuturo sa mga bata ng relatibong guhit sa mapa ay dapat ituro sa paraang simple, visual, at interaktibo. Mahalaga na gumamit ng mga larawan, aktwal na mapa, at masayang gawain tulad ng paghanap ng mga bansa gamit ang latitud at longhitud. Maaaring iugnay sa mga pamilyar na bagay, tulad ng paghanap ng lokasyon ng sariling bahay o paaralan sa mapa.
Isa sa mga hamon na naranasan ng grupo namin ay ang pagsasaayos ng impormasyon sa paraang malinaw at maayos tignan. Kailangan pag-isipan kung paano ipapakita ang mga bahagi ng aralin sa mga bata sa paraang makakikitaan sila ng interes sa pag alam at pagtukoy sa eksaktong kinalalagyan ng ating bansa. Natutunan namin kung paano gumamit ng digital tools, magdisenyo ng layout, at kung paano gawing mas kaakit akit ang aming output. Sa kabuuan, mahirap man sa umpisa pero naging maganda ang karanasan kasi natuto kaming mag-organisa ng content at mas naunawaan namin ang aralin habang ginagawa ito.