Ang Heograpikal na Posisyon ng Pilipinas at ang Kanyang Kahalagahan
Ang Heograpikal na posisyon ng Pilipinas at ang kanyang kahalagahan ay naglalayong ipakita kung paano tukuyin ang tiyak na lokasyon ng ating bansa,kailangang matutuhan ang mga imahinasyong guhit na makikita sa mapa at globo. Sa pagpapaliwanag sa eksaktong lokasyon ng Pilipinas gagaamit tayo ng absolut na lokasyon (latitude at longhitud), na ipinapakita ang tiyak na posisyon ng Pilipinas sa mundo. Ang relatibong lokasyon nito ay susuriin batay sa kalapitan sa mga kalapit-bansa at rehiyon. Matutuhan din dito ang iba't ibang kasanayan sa paggamit at pagbasa ng mapa at globo. Kailangan ding maunawaan ang iskala o ang ugnayan ng sukat at distansya ng mga bagay na makikita sa mapa sa aktuwal nitong sukat at distansya sa daigdig.
GROUP MEMBERS:
GEMA GARGARAN
RAZEL JOY TONDO
MA. AMOR GELLANGALA
Bachelor of Elementary Education 2-B