Strong and Beautiful

Malakas at Maganda

In the beginning when the Earth was still young, the gods Bathala, Aman Sinaya, and Amihan were the only beings that existed. Noong simula ng Daigdig, ang mga diyos na si Bathala, Aman Sinaya, at Amihan ang tanging mga nilalang sa mundo. 


Bathala was god of the sky and Aman Sinaya was goddess of the sea. Si Bathala ang diyos ng langit at si Aman Sinaya ang diyosa ng dagat.


The two had been fierce rivals for a long time. Everyday, they would try to outdo each other; Bathala using his lightning bolts and thunder, and Aman Sinaya using her waves and typhoons. Ang dalawang ito ay naging matinding magkaribal sa loob ng mahabang panahon. Araw-araw, sinikap nilang magpasiklaban. Gumamit si Bathala ng kanyang mga kulog ng kidlat, at si Aman Sinaya naman ay gumamit ng kanyang mga alon at bagyo.


One day, Aman Sinaya decided to send her storm up into the sky to cause a wild commotion. In order to stop her, Bathala threw giant boulders that came from atop of the mountains. Isang araw, nagpasya si Aman Sinaya na magpadala ng isang bagyo sa langit para magkaroon ng malaking kaguluhan. Upang mapigilan siya, nagtapon si Bathala ng mga higanteng bato mula sa ibabaw ng mga bundok. 


This created thousands of islands onto the surface of the sea which came to be the Philippines. Naglikha ito ng libu-libong pulo sa ibabaw ng dagat na naging Pilipinas.


Amihan, the North Wind in the middle of the two realms, decided to stop the battle once and for all by taking the form of a bird that flew back and forth between them. Si Amihan, ang hangin mula sa hilaga na nasa gitna ng dalawa, ay nagpasyang itigil ang labanan sa pamamagitan ng pag-anyong ibon. Siya ay lumipad ng pabalik-balik sa pagitan ng dalawa.


This made the sky and the sea closer than they were before. At the point where the two realms met, both gods agreed to end the fight and become friends. Napalapit nito ang langit at ang dagat. Sa punto kung saan ang dalawa ay nagtagpo, ang mga diyos ay sumang-ayong tapusin ang labanan at maging magkaibigan.


As a sign of friendship, Bathala planted a seed underneath the ocean floor. It soon grew into a bamboo reed, sticking out of the edge of the sea. Bilang tanda ng kanilang pagkakaibigan, nagtanim si Bathala ng isang buto sa ilalim ng dagat. Di nagtagal ay lumaki ito at naging isang kawayang umusbong mula sa dagat. 


Amihan, heard voices, coming from inside the bamboo. “Oh, Amihan! Amihan! Please let us out”, the voices said. Nakarinig si Amihan ng mga boses mula sa loob ng kawayan. "Oh, Amihan! Amihan! Palayain mo kami", ang sabi ng mga boses. 


She pecked the reed once, then twice. Then all of a sudden, the bamboo cracked and split open. Tinuka niya ang kawayan ng isang beses, at sa kanyang pangalawang tuka, biglang nabiyak at bumukas ang kawayan. 


From inside the bamboo emerged two human beings: one was male and the other was female. Mula sa loob ng kawayan umusbong ang dalawang katauhan; isang lalaki at isang babae. 


Amihan named the man, “Malakas” which means strong, and the woman, “Maganda” which means beautiful. Pinangalanan ni Amihan ang lalaki na "Malakas", at ang babae, "Maganda". 


He then flew them onto one of the islands. Pagkatapos ay linipad niya ang mga ito sa isang isla.

There they settled, built a house, and had offspring that populated the Earth. Doon sila ay nanirahan, nagtayo ng isang bahay, at nagkaroon ng mga anak na nanirahan sa mundo.


Adapted from:

The Aswang Project (2017). The Tagalog origin myths: Bathala the Creator. 

https://www.aswangproject.com/bathala

Strong and Beautiful | Malakas at Maganda