Ang tanka ay isang tradisyonal na uri ng panitikan na nagmula sa Japan. Ito ay binubuo ng limang linya, at ang bawat linya ay may partikular na bilang ng pantig.
Ang pattern ng bilang ng pantig sa bawat linya ay: 5-7-5-7-7.
Ito ay ibig sabihin na ang unang linya ay may limang pantig, ang ikalawang linya ay may pito, at gayundin sa ikatlong linya. Ang ikaapat na linya ay may pito ring pantig, at ang huling linya ay may pito ulit na pantig. Ang bawat linya ay nagbibigay-daan upang maipahayag ang damdamin, emosyon, o pag-iisip ng manunulat.
MGA HALIMBAWA NG TANKA
Sa malamlam na buwan
Aking iniisip ka
Bituin sa kalangitan
Saksi sa ating pag-ibig
Sa ilalim ng gabi’y sumiklab
Sa hangin na humihiyaw
Sa kagubatan ng damdamin
Nahanap kita
Sa mga pangarap at pag-asang
Hindi mawawala
Upang lubos ninyong maunawaan ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga tula gaya ng Tanka, Haiku at Tanaga ay narito ang ilan sa mga bidyo na maaari ninyong panoorin: