Isang Halimbawa ng Tanaga
Ang TANAGA ay isang uri o porma ng tagalog na tula na may 4 na taludtod, binubuo ng pitong pantig sa bawat taludtod at naglalaman ng isang diwa ng makata.
Kadalasan itong nagtataglay ng isang tugmaan, a-a-a-a ngunit ang mga makabagong tanaga ngayon ay kakikitaan na rin ng mga tugma na inipitan - a-b-b-a, salitan - a-b-a-b at sunuran a-a-b-b.
Ito ay bunga ng pagiging malikhain ng mga Filipino at pagnanais na mapaunlad at madagdagan ang ating mayaman nang kultura, sining at literatura.
MGA HALIMBAWA NG TANAGA
"FILIPINO"
Tagalog ang wika ko
Hindi sikat sa mundo
Ngunit lantay at wasto
At dakilang totoo.
"TANAGA"
Ang tanaga na tula
Ay sining at kultura
Tatak ng ating bansa
Hanggang wakas ng lupa.
"TUNAY NA YAMAN"
Ako ay Filipino
Kulay tanso ng mundo
Ngunit tunay kong ginto
Nasa aking sentido.
Upang lubos ninyong maunawaan ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga tula gaya ng Tanka, Haiku at Tanaga ay narito ang ilan sa mga bidyo na maaari ninyong panoorin: