Upang malaman kung kayo ay mayroong natutunan sa ating naging talakayan patungkol sa mga Panitikan sa Panahon ng Hapon, ating subukin ang inyong kaalaman sa pamamagitan ng pagsagot sa pagsusulit na aming inihanda. Handa na ba kayo? Tara, simulan na natin!
Pagsusulit
Panuto: Tukuyin ang bawat tula kung ito ba ay TANAGA, TANKA o HAIKU. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Walang magawa
Ika'y nasa puso na
At di aalis
Habang tumitibok pa
O, ang mahal kong sinta
2. Ang puso't dibdib
Malagkit kung tumitig
Kung umiibig
3. Inumit na salapi
Walang makapagsabi
Kahit na piping saksi
Naitago na kasi
4. Madaling-araw
Gising kang tinatanaw
Hanggang pumanaw
5. Magsikhay ng mabuti
Sa araw man o gabi
Hindi mamumulubi
Magbuhuhay na hari
6. Naku gabi na
Dapat tulog na ako
Sa bukas naman
Sisimulan ang araw
Na may malaking ngiti
7. Ako'y gutom na
Para sa pagbabago
Ng ating bayan
Para sa ating bukas
Para sa kabataan
8. Puso ko'y sumisigaw
May bulong na mababaw
Hindi naman lumitaw
Tinig ko't alingawngaw!
9. Panaginip ka
Kahit na sa umaga
Ika'y ligaya
10. Dasal ko sa Bathala
Sana'y makapiling ka
Sa luha ko at dusa
Ikaw ang aking sigla
11. Ang kabataan
Ay pagasa ng bayan
Dapat ingatan
Di binabale wala
Upang may mapapala
12. Luhang natuyo
Ng sinaktang pagsuyo
Kusang naglaho
13. Ang kagubatan
Dapat ay protektahan
Dapat ingatan
'Di binabalewala
Ito'y ating tahanan
14. Maraming mga bagay
Na sadyang lumalatay
Isip ko'y walang malay,
Sa hiwaga ng buhay?
15. Wala nang iba
Ikaw lamang, Sinta ko
Ang nasa puso ko
Ikaw ay iingatan