PANAHON NG HAPON
Bago natin talakayin kung bakit nga ba tinawag na 'Gintong Panahon' o Golden Age sa wikang Ingles ang Panitikang Filipino sa Panahon ng pananakop ng mga Hapones dito sa Pilipinas ay atin munang alamin kung kailan at paano tayo sinakop ng mga Hapon.
Sa tatlong bansang sumakop sa atin ito ay ang Kastila, Amerikano at ang mga Hapon ay ang pananakop ng mga Hapon ang naging pinaka-maikling pananakop sa atin bansa ito ay tumagal lamang ng tatlong taon mula taong 1942 hanggang 1945. Bagama't ito ang pinaka-maikling panahon ng pananakop ay ito rin ang naging makasaysayan sa iba't ibang aspeto.
Ang pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas ay ang panahon sa Kasaysayan ng Pilipinas mula 1942 hanggang 1945 noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig kung kailan nilusob ng Imperyo ng Hapon ang Pilipinas na dating tinatabanan o nasa ilalim ng mga Amerikano.
Dahil nasa isalalim ng kolonya ng Estados Unidos kaya't sinakop ng Hapon ang Pilipinas. Ang tuon o plano ng mga Hapon ay isa sa maging bansang makapangyarihan sa asya at paalisin ang mga mananakop tulad na lamang ng ginawa nila sa mga Amerikano.
Pagkatapos nating malaman ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas ay balikan natin kung bakit nga ba tinawag na 'Gintong Panahon' o Golden Age sa wikang Ingles ang Panitikang FIlipino sa Panahon ng Pananakop ng mga Hapon ito ay sa kadahilanang;
Sinabing Gintong Panahon ng Panitikang Filipino ang panahon ng pananakop ng mga Hapones sa kadahilanang sa kabila ng kanilang nagawang pang-aalipusta, pagiging sakim at pang-aabuso lalo na sa mga kababaihan ay may maganda silang naiambag lalo na sa larangan ng Panitikan. Hindi nila ipinagkait sa mga Pilipino na gamitin ang ating sariling wika na nagbigay sa atin ng kalayaaan lalo na sa ating mga lokal na manunulat na maipamalas ang kanilang talino at galing sa paglikhan ng mga likhang sining mga panitikan dahil sa pangyayaring iyon na hindi natin naranasan sa pananakop ng mga Amerikano.
Kanila ding sinunog ang lahat ng mga Panitikan na nasusulat sa Wikang Ingles upang kanilang maipagamit sa atin ang Wikang Nihonggo, Wikang Filipino at Wikang Hapones.
Naiwagayway natin ang ating bandila sa bayan ng Kawit, Cavite noong ika-12 Hunyo 1898 sa pamumuno ni Hen. Emilio Aguinaldo. Itinuring ng nakararami ang Panahon ng pananakop ng mga Hapon bilang Gintong Panahon ng Maikling Kwento at Dulang Tagalog.
COLEGIO DE SAN PASCUAL BAYLON (COLLEGE DEPARTMENT) PAG-ASA OBANDO, BULACAN